Thursday , November 21 2024
Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang Pinoy Drop Ball na nakamit naman nila dahil sa excitement habang naglalaro nito.

Isa kami sa sumubok, kasama ang iba pang mga entertainment press na naimbitahan sa paglulunsad, na maglaro at talaga namang napatili kami at tiyak na tataas ang adrenalin sa oras na binitiwan na ang tatlong bola at hinihintay ang paglapag nito sa anim na premyong mapananalunan.

Ang maganda pa hindi komplikado at hindi mahirap intindihin. Talagang for entertainment ang Pinoy Drop Ball kaya nakatitiyak kaming marami ang mawiwili sa paglalaro nito.

Tulad nga ng sinabi ng BingoPlus, tanging sila lamang ang nakapagbibigay ng ganitong klaseng aliwan na natuwa ka na nagwagi ka pa.

Kaya sa paglulunsad nito noong September 29 sa Grand Hyatt Manila, marami ang naexcite sa Pinoy Drop Ball na kasama na sa DigiPlus popular lineup ng digital games tulad ng Bingo (na paborito ng mga Pinoy), Tongits, at Perya Games.

Ang Pinoy Drop Ball bale ang kauna-unahang live streamed na drop ball game sa Pilipins at nagtatakda ng panibagong pamantayan sa digital perya gaming sa bansa. Higit sa pagiging isang panibagong laro, sinasalamin ng Pinoy Drop Ball ang malalim na pagkilala ng DigiPlus sa tunay na kagustuhan ng mga Filipinong manlalaro–awtentiko at nakaugat sa kulturang mga laro na nakikipagtambal sa bentahe ng teknolohiya.

Bilang isang brand na nirerespeto ang kulturang Filipino, misyon naming iangat ang tradisyonal na Pinoy entertainment para makasabay sa modernong panahon. Katulad ng minahal na mga Filipinong laro na Bingo Mega, Color Game, Papula Paputi, ipinapangako ng Pinoy Drop Ball na pasasabikin ang mga manlalaro at mas lalo pang mahihikayat na sumali sa BingoPlus Platform,” ani DigiPlus Interactive Corp. Chairman Eusebio H. Tanco sa kanyang talumpati sa grand reveal.

Tanda ang Drop Ball na pasulong tayo sa misyong ito, at patuloy ang BingoPlus sa pagtulay ng mga offline na tradisyon at modernong teknolohiya, para lumikha ng mas nakasasabik na karanasan para sa lahat,” dagdag pa ni Tanco.

Kakaiba rin ang Pinoy Drop Ball dahil naglalatag ito ng nakasasabik na pagkakataon na manalo ng malaki mula sa mga multiplier. Kasabay ng pakiramdam na naglalaro ng isang perya game, nakikipaglaban din ang mga manlalaro para sa mga premyo. Sumusunod ang Pinoy Drop Ball sa mga payout rule para sa anim na betting area. Kung ang card na hawak ay may iisang bola, makatatanggap ang manlalaro ng 2x payout, at kung dalawa naman ang bola, mayroong 3x payout. Kung tatlong bola ang tatama sa isang card, papasok sa Pachinko round ang laro, at mabibigyan ng tsansa ang mga manlalaro sa mas malaking papremyo. Itong bonus round na ito ay magbubukas ng 15 na slot na may 10, 50, 100, hanggang 200 na multiplier, na lumilikha ng mas kapana-panabik para sa manlalaro. Tinatayang 40 beses maaaring mangyari ang triple cards na ito. Dahil naka-live stream 23/7, damang-dama ng mga manlalaro ang pagiging kalahok, nasaan man sila, ano mang oras ng araw.

Ang paglikha ng digital game na nakaugat sa kulturang Filipino ay nangangailangan ng pagsusumikap, at naglaan ng panahon, oras, at rekurso ang BingoPlus sa pananaliksik at pagtataguyod ng laro, upang tunay nitong nalilikha ang laro ng masasayang pista sa mga bayan, habang binibigyang pagkakataon ang lahat sa isang mobile-friendly na format.

Nagbunga naman ang lahat ng pagsusumikap na ito, nang dumaan sa testing at naging lisensyado ng PAGCOR. Sinukat ang mga mesa para masiguro ang katatagan nito habang naglalaro, at tinimbang din ang mga bola at nilikha upang tamang-tama ang maging gameplay. Bawat inspeksyon ng mga kagamitan at ng laro ay maigeng inobserbahan ng mga opisyal ng PAGCOR para garantisadong tapat ang resulta ng bawat round, at sumusunod sa istriktong regulasyon. Dagdag pa rito, magpapalit ng host ang BingoPlus kada 30 minuto upang bigyang-konsiderasyon ang iba-ibang paraan na inihahagis ang bola.

Sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball, ipinagpapatuloy ng BingoPlus na baguhin at pagandahin ang danas ng mga Pinoy sa mga laro na minahal nila ng ilang henerasyon.

Pinangunahan nina Mr. Jasper Vicencio, presidente ng AB Leisure Exponent Inc. at Mr Eusebio Tanco, Chairman ng DigiPlus ang pagwelcome kay Maine Mendoza sa paglulunsad ng Pinoy Drop Ball. Nagbigay naman ng magagandang performance sina Julie Anne San Jose at ang Alamat.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …