Sunday , December 22 2024

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang unang pinangangalagaan ay ang kapakanan ng kanyang constituents kaysa sarili.

Naalala ko tuloy ang isang Bible verse sa Philippians 2: 3-4  “3Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. 4Rather, in humility value others above yourselves, not looking to your own interests but each of you to the interest of the others.”

Naniniwala tayo, sa patuloy na matagumpay na programa ng Quezon City – Local Government Unit (QC-LGU) sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, na ang bersikulong ito ang isa sa nagbibigay inspirasyon sa Alkalde para magtrabaho nang magtrabaho para sa kapakanan ng mamamayan ng lungsod… and all for the glory of God.

E ba’t naman natin nasabing napakasuwerte ng QCitizens sa QC-LGU? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na marami nang naging programa si Mayor Joy – programa na ang beneficiaries ay milyong residente ng lungsod.

Hindi na natin iisa-isahin ang mga programa dahil tiyak na hindi magkakasya ang espasyo natin…

Katunayan dahil sa magaganda at matagumpay na mga programa, laging humahakot ng parangal ang QC LGU hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa ibayong dagat.

Heto nga, tila nanalo sa lotto ang QCitizens kasama ang pamilyang sinasabing kabilang sa informal settlers sa lungsod.

Bakit kamo! Bakit? Aba’y akalain n’yo ba namang  sa mga susunod na buwan ay titira na sila sa condo. Hanep! Magiging “rich” na kayo. Buti pa kayo, samantalang ako, hanggang ngayon ay umuupa pa rin. Kailan kaya ako titira sa condo? Mayor Joy, baka naman…

Tama kayo sa inyong nabasa, sa mga susunod na buwan ay titira na sa condo ang mga nabanggit nating pamilya sa Kyusi dahil… dahil ano? Bibilhan sila ni Mayor Joy ng residential condo. Wow naman…kasuwerte naman talaga ng QCitizens.

Ang QC LGU ay bibili ng 2,669 residential condo para sa QCitizens at informal settlers family (ISF) – yes, ito ay para sa mga nangangailangan ng sariling tahanan sa lungsod.

Siyempre, ang pagbibigay ng tahanan ay hindi naman basta-bastang ipamimigay na parang kendi at sa halip ay daraan ito sa mga tamang proseso – walang palakasan o uunahin ang kaanak ni Kapitan. Dapat lang!

Ang programa ay magtuloy-tuloy na at bilang patunay ay isinagawa kamakailan ang MOA signing sa pagitan ng QC government at 8990 Housing Development Corporation na developer ng Urban Deca Homes Commonwealth.

Aba’y tiyak na nga ang pabahay na proyektong ito – tapos na MOA signing. Hintay-hintay lang mga QCitizens ha. Napakasuwerte n’yo talaga.

Heto ang titirhan n’yo – kasama sa bibilhin ng QC government ang apat na high rise buildings, condo units at… parking area na 522 parking slots.

Kompleto ha… may pabahay na… condo pa, at may garahe pa kayo. Ano pang hanap n’yo!?

Well, siyempre para kayo mabiyayaan ng blessings na ito – alams na… manalig lang sa Diyos and be a good citizen of Quezon City.

Buti pa kayo, magkaka-condo na! 

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …