Saturday , December 21 2024

Nakipag-ugnayan na sa Meta
COMELEC KASADO vs AABUSO SA SOCMED

093024 Hataw Frontpage

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato at kanilang mga tagasuporta laban sa pag-abuso sa paggamit ng social media platform sa sandaling magsimula na ang araw ng kampanya hanggang sa araw ng halalan.

Sa pagdalo nina Atty. Maria Lourdes Fugoso Alcain, chief of staff ni Commissioner Nelson Celis, at Atty. Mazna Lutchavez, Legal head sa tanggapan ni Celis, at kinatawan ni Chairman George Erwin Garcia sa weekly media forum na The Agenda sa Club Filipino, sinabi nilang pananagutin ng komisyon ang mga kandidato o tagasuporta na aabuso sa paggamit ng social media platform.

Tiniyak ni Alcain at Lutchavez, bukod sa kasong haharapin ay maaari rin patawan ng suspensiyon o ipatanggal ang kanilang social media account.

Inihayag ng mga kinatawan ng Comelec na maaga pa lamang ay nakipag-ugnayan na sila sa Meta upang agarang ireport ang mga kandidato o tagasuporta na aabuso sa paggamit ng social media para sa kanilang kandidatura.

Binalaan ng komisyon ang mga taong maninira ng kandidato na mayroong kaakibat na pananagutan.

Batid ng komisyon na maaaring ang iba ay gumamit ng fake accounts ngunit tinitiyak nilang hindi nila ito palalampasin dahil makikipag-ugnayan sila sa ahensiya ng pamahalaan na siyang tutukoy sa tunay na pagkakakilanlan ng tao o grupo na nasa likod ng naturang account.

Tiniyak ni Jose Czaraus Parra, co-founder at COO ng isa sa mga application site sa social media na makikipagtulungan sila sa Comelec upang agarang masampahan ng kaso, tanggalin, at maparusahan ang mga kandidato at tagasuporta na aabuso sa paggamit ng social media.

Ani Parra, nakatutok ang kanilang team ukol sa mga gagawa ng hindi tama laban sa kahit sinong kandidato.

Kaugnay nito, nanawagan ang komisyon at si Parra sa publiko na huwag mag-atubiling makipagtulungan sa Comelec na isumbong o ireklamo ang mga kandidato at/o tagasuporta na aabuso sa paggamit ng social media platform. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …