Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez Venice

Janine kinilig sa Venice — Para siyang Disneyland, sobrang magical

RATED R
ni Rommel Gonzales

EXCITED si Janine Gutierrez nang makarating for the first time sa Venice sa Italy.

Dumalo si Janine sa 81st Venice International Film Festival para sa exhibition ng pelikula niyang Phantosmia na idinirehe ni Lav Diaz.

Pagbabahagi ni Janine, “Oh my gosh, para siyang ano, para po siyang Disneyland, ‘yung pakiramdam ko.

“Kasi ‘di ba, susunduin ka ng water taxi, tapos… paglapag sa airport parang mayroon ng welcome booth para sa attendees ng film festival. Tapos sila ‘yung mag-aasikaso sa iyo.

“So iyon pa lang kinikilig na ako!

“Kasi Venice Film Festival, ‘yung may malaking sign, ganyan, tapos dadalhin ka nila sa car, tapos from there sasakay ka ng water taxi.

“So ‘yung water taxi pa lang kilig na kilig ako kasi nakikita ko lang ‘yun sa picture, eh.

“Never pa naman talaga akong nakapunta sa Venice. 

“Tapos may kasabay ako na dalawa ring delegates ng film festival.

“‘Yung isa director from Ukraine, tapos isa para siyang PR expert from France. Parang halos magkaka-edad kami, so nakatutuwa.

“Tapos pagpasok mo roon sa mga canal tapos para siyang Disneyland, iyon ‘yung pakiramdam. Tapos super naka-smile ako, tapos tumatawa-tawa akong mag-isa.

“Tapos ‘yung mga kasama ko parang natatawa na sa akin kasi tumatawa akong mag-isa.

“Kasi sobrang magical niyong Venice pala!”

Pangarap iyon ni Janine.

Iyon talaga ‘yung dream ko. Actually hanggang ngayon may mga comment pa rin ako na nakukuha na… siyempre kinikilig ako na parang, ‘Bakit hindi ka sumali ng beauty pageant?’

“Hanggang ngayon tinatanong pa rin ako. Tapos… kasi ito talaga ‘yung pangarap ko eh, ‘yung prestigious na film festival, it’s what I’ve always wanted.

“So iyon dream ko talaga siya. Ang ganda lang ng feeling na ‘yung audience ng ibang mga bansa pinapanood ‘yung mga pelikula natin, nakikinig sila ng Filipino, ng Tagalog.

“Iyon talaga ‘yung gusto ko.”

Sa ngayon ay nasa Pilipinas na muli si Janine at abala sa Lavender Fields na puring-puri ng netizens ang husay bilang aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …