Sunday , November 24 2024
Pia Wurtzbach Leyna Bloom

Pia at Leyna parehong unang rumampa sa L-Oreal sa Paris

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO nga masasabing tama naman si Pia Wurtzbach sa kanyang sinabi na siya ang kauna-unahang Filipina na nakarampa sa L-Oreal sa Paris, France. Pero tama rin ang sinabi ng transgender na si Leyna Bloom na hindi si Pia kundi siya ang unang Filipino n nakarampa sa L’Oreal sa Paris. 

Inilabas pa niya ang picture at video na nagpapatunay na rumampa na nga siya sa ganoon ding fashion show noon pang 2021. Sinabi ni Bloom na ang nanay niya ay taga-Cagayan de Oro, kaya kahit na ang apelyido niya ay Bloom at naninirahan siya sa Chicago Pinay-Pinayan pa rin siya. Hindi talagang Pinay dahil transgender nga siya kaya Pinay-Pinayan lang. Pero Pinay pa rin kaya hindi maaangkin ni Pia na siya ang unang Pinay na nakarampa sa L’Oreal sa Paris.

Hindi naman kasi ganoon katunog ang pangalan ni Leyna at saka ang apelyido nga ay Kanong-Kano, baka akaLa ni Pia ay Kano iyon. Eh iyong apelyido bang Wurztbach, Pinoy ba?

Ang lamang nga lang ni Pia, naging Miss Universe siya, eh ngayong pinapayagan na rin ang mga transgender sa Miss Universe, ano ang malay ninyo kung maging Miss Universe rin si Leyna pagdating ng araw? Iyan nga ang sinasabi ng Orthodox Bishop na si Mar Mari Emmanuel, dahil sa sinasabing “human rights” nasisira ang “right to be human” at tutol siya sa sinasabing “LGBTQIAYZ.”

Dahil sa aklat daw ng Genesis, nang ginawa ng Diyos ay babae at lalaki lamang. Walang nabanggit doong LGBT. Eh nasaan iyong LGBT, tama ba ang sinasabi ni Rodolfo Boy Garcia nong araw na iyon  ang “ahas?” Signs of the times, sabi nga nila.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …