Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geraldine Jennings Ogie Alcasid Jameson Blake

Geraldine Jennings thankful kay Jameson, inalalayan sa acting at kissing scene

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMPLETE package nang maituturing si Geraldine Jennings. Magaling kumanta at umarte kaya naman kahit saan siya ilagay tiyak na panalo.

Inilunsad noong Biyernes ang bagong single ni Geraldine under Star Music, ang If I Will Ever Love Again at ang first starrer movie niyang Isla Babuyan. 

Isinulat ni Ogie Alcasid ang If I Will Ever Love Again at available na ito sa iba’t ibang streaming platforms.

Kasama naman ng half-Filipina, half-British artist sa pelikulang Isla Babuyan sina Jameson BlakePaolo Gumabao, Dave Bornea, Lotlot de Leon, at James Blanco.

Idinirehe ito Abdel Langit, isinulat ni Jessie Vilabrille under Solid Gold Entertainment Production at LVD Talent Management (na pag-aari ng yumaong manager ni Geraldine na si Leo Dominguez), at co-producers sina Gina Jennings at Yohann Soyangco.

Ani Geraldine, sumailalim siya sa acting workshop sa loob ng isang taon bago sumabak sa pag-arte at sinimulan ang pag-shoot ng Isla Babuyan.

Marami akong mga acting workshop in the US sa West Hollywood. I did it for one year.

“Then I had an acting workshop with Jo Macasa, a well-known acting coach here. I had it with her siguro for four months. I really felt prepared naman,” pagbabalita ni Geraldine.

Nang kumustahin ang unang pagsabak niya sa pag-arte, inamin nitong nahirapan siya sa dramatic scene. “May mga eksena na dramatic, nahirapan ako. Pero after two days, three days, sanay na ako. Mas natural na ang acting ko.

Nakatulong sa akin si Miss Lotlot de Leon sa mga dramatic scene kasi na-feel ko ‘yung emotions niya,” anang magandang dalaga.

Nagpasalamat naman si Geraldine kay Ogie na nag-compose ng debut single niyang If I Will Ever Love Again, na ginamit ding official soundtrack ng Isla Babuyan.

Sa kabilang banda, pinuri naman ni Geraldine ang leading man niyang si Jameson. Anang dalaga, magaling ito pagdating sa acting at inalalayan siya sa kanilang kissing scene.

Mabango siya,” nangingiting sabi ni Geraldine.

Hindi naman nagdalawang-isip si Geraldine sa kanilang kissing scene ni Jameson dahil katwiran niya, parte iyon ng istorya at dapat lamang sumunod siya sa kung ano ang hinihingi ng istorya.

Nang papiliin naman siya kung alin ang mas love niya o gustong gawin, acting o singing, sinabi nitong pareho niyang gusto at kaya naman niyang pagsabayin pareho.

Sinabi pa ni Geraldine na willing siyang magpabalik-balik ng ‘Pinas para sa kanyang singing at acting career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …