RATED R
ni Rommel Gonzales
GEN Z man o feeling Gen Z, hindi pinalagpas ang pagsisimula ng latest youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na MAKA nitong Sabado, September 21.
Mainit ang pagtanggap ng mga Kapuso sa programa kaya nakapagtala ito ng 6.6 percent (higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa), batay sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.
Sa pag-uumpisa ng serye, nabalitaan ng high school students ng Douglas MacArthur High School for the Arts a.k.a. MAKA na nanganganib ipasara ang kanilang eskuwelahan. Para manatili itong bukas, kailangan nilang manalo sa upcoming Regional Drama School Competition.
Tanggapin kaya ng award-winning playwright at art theater director na si Sir V (Romnick Sarmenta) ang pakiusap sa kanya na magturo bilang Art teacher sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High?
Ang MAKA ay pinagbibidahan nina Sparkle stars Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa a.k.a. Bangus Girl. Mapapanood din sa programa ang That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, pati na rin si veteran actress Carmen Soriano.