Monday , April 14 2025
Lea Salonga Dolphy

Lea iginiit, Mang Dolphy unahing National Artist bago siya

HATAWAN
ni Ed de Leon

DIRETSONG sinabi ni Lea Salonga na bago raw siya maging National Artist dapat ay si Mang Dolphy muna. Dapat daw kilalanin ang naging kontribusyon niyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, at parang sinasabi pang kung ikukompara kay Mang Dolphy, walang wala pa ang  nagawa niya.

Sinabi pa ni Lea na maging ang mga comedy na ginawa niya bilang bakla, ang Facifica Falayfay at Fefita Fofonggay ay nakatulong para mas kilalanin ang gay community. Pero sa mga naunang tsismis, sinilat ng mga bading sa nomination group si Mang Dolphy ng dalawang ulit dahil hindi nila nagustuhan, at sinasabi nilang inilagay ng komedyante ang mga bading sa nakatatawang sitwasyon sa dalawang pelikulang iyon. Sinasabi nilang sa pelikula, hindi dapat na ma-discriminate ang mga bading.

Pero hindi maikakaila iyan dahil sinasabi nga na kahit si Vilma Sntos, dalawang ulit na rin nilang sinilat sa nomination dahil sa personal bias ng ilan. Pinilit din nilang maideklarang National Artist si Nora Aunor sa kabila ng katotohanang dalawang ulit na iyong  na-reject ng dalawang presidente.

Kung sa bagay, kahit naman saan hindi maikakailang may nangyayaring umiibabaw ang personal na bias, bagama’t hindi nga sana dapat

Pero kung si Vilma naman ang pag-uusapn hindi siya particular sa titles. Mas gusto niyang nasisiyahan ang fans sa ginagawa niya at kumikita ang kanyang mga pelikula. National artist ka nga pero wala namang kumukuha sa iyo dahil hindi kumikita ang mga pelikula mo, ano nga naman ang silbi niyon?

Para kay Ate Vi on the running pa rin naman siya bilang isang aktres. May balak pa siyang magdirehe ng pelikula at mag-produce rin.

Isa pa hindi maikakailang si Ate Vi ang nangunguna ngayon sa mga independent survey na ginagawa sa Batangas para maging gobernador ulit. Kung tatanggapin niya ang challenge na magbalik sa kapitolyo ng Batangas, ibang usapan na naman iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Pilita Corrales

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez muling uuwi ng ‘Pinas para sa promosyon ng all new OPM album

IPO-PROMOTE ni Nick Vera Perez ang ika-apat niyang album na all-original at all-new OPM ngayong Mayo 2025. …

MayMay Entrara

Maymay emosyonal, ina 2 taon nang nakikipaglaban sa cancer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ng aktres/singer na si MayMay Entrara na hindi naging madali sa kanya …

Queenie de Mesa

Queenie de Mesa, palaban sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BUO ang loob at palaban sa kanyang pinasok na career …

Gela Atayde Time To Dance

Gela ikinatuwa pagbibigay halaga sa mga dancer

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND finals na ngayong Sabado, April 12 ng Time To Dance, ang dance …