Saturday , December 21 2024
Sam Verzosa

Sam sa pagtakbong mayor sa Maynila: Itigil ang pamumolitika kung gusto ng pagbabago

RATED R
ni Rommel Gonzales

KOMPIRMADONG kakandidato bilang Mayor ng Maynila si Sam Versoza.

Sinabi mismo ni Sam, na isang businessman via Frontrow, TV host (with his GMA show Dear SV) at Tutok To Win Party-list Representative, na tatakbo siya sa 2025 election.

Sa harapan namin mismo inanunsiyo ni Sam sa Ayudang Hindi Trapo event ni Sam nitong Linggo sa Barangay 128 sa Tondo, Maynila.

Kaya tatlo na ang maugong na magbabanggaan bilang alkalde ng City of Manila sa nalalapit na eleksiyon—Sam, Isko Moreno at ang kasalukuyang mayor ng Maynila na si Honey Lacuna.

Incidentally, dinig namin ay balwarte ni Isko ang Brgy. 128, Zone 10 sa Tondo na namahagi si Sam ng ayuda sa mga residente ng Smokey Mountain.

Wala naman pong pinipiling lugar ang pagtulong.

“At ngayon sa kakatulong, inuudyukan tayo na maging mayor ng Maynila at kung saan tayo dalhin ng Maykapal, kung ito ang laban na gustong ibigay sa atin ng Diyos, kung kailangan ko ilaban ang mga tao ng Maynila, ‘yung mga anak ng Maynila, iaalay natin ang sarili natin at ang kapalaran natin.

“Kaibigan ko po ‘yung ibang mga kapitan, tinutulungan ko sila. Tinutulungan ko ang mga ka-barangay nila.

“Alam niyo ho, kapag nabigyan tayo ng pagkakataon, tatapusin natin ang pamumolitika sa Maynila. Kung gusto natin ng pagbabago, sisimulan natin sa sarili.

“‘Yun po ang panawagan ko sa mga kapitan sa Maynila, lahat ng mga namumuno, itigil na po ang pamumolitika.”

Natanong si Sam kung paano niya babanggain ang mga itinuturing na pader sa politika sa Maynila at naaliw kami sa sagot niya.

 “Huwag mong babanggain, baka mauntog ka. Hindi natin babanggain kasi tumutulong lang tayo, wala tayong gagawin kundi kabutihan,”

pahayag pa ni Sam o SV.

Ibigay natin ang pera ng Maynila para sa mga tao.

“Twenty years, 25 years, 30 years, may nabago ba? Lalong naging bangkarote po ang Pilipinas.

“Hindi ko na matiis ang mga kababayan natin, nag-iiyakan na kanina kaya sabi ko, ako ang may kakayanan, ako ang binigyan ng Diyos ng ganito karaming biyaya.

“Kung anuman ang mayroon ako, hindi ako magbubulag-bulagan, hindi ako magbibingi-bingihan. Iaalay ko ang sarili ko at ang kapalaran ko para sa lahat.”

Noong araw na iyon na binisita namin si Sam ay bumaha ng bigas, Spam, Jollibee meals, mineral water, jacket (from Willie Revillame) at salapi para sa mga senior citizen sa naturang lugar.

Sa pakiwari nga namin, maging hindi mga senior ay naabutan ng ayuda ni Sam, kabilang ang mga kabataan at mga batang paslit. Kaya nagmistulang Santa Claus si Sam sa buwan ng Setyembre.

About Rommel Gonzales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …