Friday , November 22 2024
West Philippine Sea WPS Movie

AJ, Ayanna, Rannie, Jeric ‘di nagpabayad sa paggawa ng advocacy series na WPS 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI naman sa may gustong patunayan ang producer na si Raymond Apacible sa pagsisimula niya sa isang makabuluhang proyekto.

Ang magsisimula muna bilang serye na West Philippine Sea (WPS).

Simple lang. Ang maipaintindi sa mga tao at kababayan na atin ang inaagaw na parte ng karagatan.

Kaya nga natuwa si Doc Mike Aragon ng KSMBPI Film Division Production nang simulan niyang mang-imbita ng mga artistang magkakaroon ng partisipasyon sa istoryang kanyang hinabi. Mula sa mga saliksik, balita at iba pa.

Nasa listahan sa cast sina AJ  Raval, Ayanna Misola, Ali Forbes, Daiana Menese, Mary Sharapova, Al Tantay, Aljur Abrenica, Edgar Mortiz, Rannie Raymundo, Lance Raymundo, Massimo Scofield, at Jeric Raval.

Ayon kay Doc, “’WPS’ is a story of hope and resilience. It explores the power of love, the importance of unity, and the unwavering spirit of a nation determined to fight for its inherent rights and future. It reminds us that even in the face of overwhelming odds, the human spirit can prevail, fueled by love, resolute determination, and the unwavering belief in the power of collective action and the true spirit of nationalism and patriotism for genuine devotion to and love of country and people.”

Sa simulang pagpapakilala ni Doc sa kanyang mga artista, ang marubdob na dahilan sa pagtanggap ng proyekto ‘ika nga eh, “for a song” na si Rannie, pati ng kanyang kapatid ay ang kauna-unahan nilang pagsasama sa isang proyekto. Sa mga show at concert eh nagkakasama sila. Pero never pa sa isang pagganap. Kaya isa ito sa ipinagpasalamat niya. At siyempre, naniniwala siya sa adbokasiya ni Doc sa WPS na dapat maipaintindi, lalo na sa henerasyon ngayon at sa mga darating pa.

Walang talent fee ang mga artistang naniniwala sa ipinaglalaban ng pelikula. 

Si Jeric eh, natutuwa na sa genre ng aksyon na siya talaga nahahanay. Although ang una nga niyang pinangarap lalo na noong mapadpad  siya sa OctoArts eh, maging isang rapper na gaya ng idol niyang si Francis M.

Ibinahagi naman ni Daiana ang paglaban niya sa dumapong kanser sa kanya. Na tuluyan nang nawala. Kaya pagsisipag na rin sa kanyang career ang hinaharap.

Tuloy pa rin si Rannie sa paggawa ng mga kanta although ang theme song ng pelikula ay magmumula isa sa mga kanta ng The Company na isinulat ni Moy Ortiz.

Rorolyo na ang camera sa Oktubre.

Isang kaabang-abang na proyekto ang hatid ni Doc Mike at naniniwala sa ipaglalaban niya sampu ng mga aktor na sumampa sa proyekto. 

About Pilar Mateo

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …