Sunday , December 22 2024
Sandro Muhlach

Sandro ehemplo ng ibang biktima ng sexual harassment 

HATAWAN
ni Ed de Leon

GAANO kalala ang sexual harassment sa pelikula? Nang lumabas si Sandro Muhlach at hinarap ang kahihiyan ng isang lalaking hinalay, lumabas din  ang iba. May nagsabing may direktor na nakialam pati sa paglalagay ng plaster para maikubli ang kanyang ari sa isang eksena sa pelikula at naramdaman daw niyang iba na ang hipo niyon sa kanyang private part. 

Biglang lumabas din si Gerald Santos at nagkuwento nang siya rin daw ay hinalay ng musical director na si Danny Tan. Tapos luimabas pa si Renzo Almario na hinalay din daw ni Danny noong siya ay 12 years old pa lamang. 

Parang Quiboloy ha, na my pastoral na 12 years old. 

Natatandaan namin may tsimsis na may reklamo ring ganyan noon si Mike Tan laban sa isang direktor na habang nagpapahinga ay dinakma siya. 

Ang nakatatawa nga lang sa lahat ng lumalabas sa usapan, sinasabing nangyari sa GMA. Huwag ninyong sabihin sa amin  na walang ganyang nangyayari sa ABS-CBN noong araw?

May kuwento nga kaming narinig noon na nahuli raw ng securiy guard ang isang male star at isang production executive sa CR mismo ng kanilang studio na may ginagawang milagro eh. Sabi nga namin bakit naman sa CR pa? Ang sagot sa amin,  “paano nasa taping din ang kabit ng executive produ.” Siyempre walang report ang security, executive iyon eh.

May isa pang psychologist na nagsabi sa amin, mabigat ang trauma ng sexual harassment lalo na sa lalaki. Kasi hindi karaniwan eh. Isipin mo lalaki ka mare-rape ka ng bakla. At saka hindi biglaan ang epekto ng trauma, mayroong sa paglipas ng panahon lalong lumalala, mayroong mga kaso na hindi makayanan ang itinatago nauuwi sa suicide.

Nag-isip din kami, mayroong isang male star na bigla na lang nalamang namatay at sinabi sa amin ng isa naming source na nakita raw niya noong hapong iyon na kaaway ng lalaki ang isang bakla, namatay noong gabi at sinasabing binangungot, inatake. Pero makikita raw sa bangkay na mukhang nagbigti, may bakas pa sa leeg eh.

Mayroon ding isang kaso ng isang male star, natagpuan na lang patay sa loob ng kanyang kotse sa highway walang nakitang ebidensiya ng foul play. Kaya ang suspetsa, may trauma, umalis ng bahay sakay ng kotse at tapos ay uminom ng lason. Suicide ulit. Ang male star ay sinasabing kaibigan din ng ilang bakla at gumawa pa ng pelikula tungkol sa mga bakla.

Kaya kami natutuwa sa ginawang paglantad ni Sandro. Masyado kasing marami na ang nangyayari pero hindi napag-uusapan dahil walang nagrereklamo. Pinag-uusapan man, bulungan dahil pinagtatakpan din ng mga bakla ang kanilang mga kapwa. Kaya takot din ang mga naabuso, dahil alam nila na maraming bakla ang nasa mataas na posisyon sa showbiz at kung kakalabanin nila masisira ang kanilang career. Marami sa mga nadidesmaya ay umaalis na lang sa showbiz dahil wala rin naman silang magagawa eh. Ireklamo nila wala ring mangyayari, mapag-iinitan pa sila ng ibang bakla, mapapahiya pa sila. Pero dapat na mapag-usapan iyan dahil kung hindi lalong lalala iyan sa pagdaan ng panahon. 

Sa susunod na taon ay eleksiyon na huwag ninyong iboboto ang mga kandidato o opisyal na kumakampi sa mga bakla.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …