Saturday , December 21 2024
Valerie Tan Rovilson Fernandez I Heart PH

I Heart PH magtatampok ng ganda ng ‘Pinas, bahay tips

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASASAKSIHAN na ang awardwinning Lifestyle and Travel  show, I Heart PH sa kanilang bagong tahanan sa GMA network via GTV simula sa Linggo (Sept. 22), 10:00 a.m. hosted by Valerie Tan with co-host Rovilson Fernandez.

Ipakikita sa I Heart PH ang ganda ng Pilipinas at tumutulong sa pag-unlad ng turismo sa bansa sa campaign nitong Love The Philippines.

Our country is blessed with amazingly beautiful natural resources and environment,” ani TV8 Media Business Unit Head Vanessa Verzosa.

Dagdag pa nito, “That’s why we never run out of features. There are still more beautiful places that  have never been feautured in the mainstream media . And we want to showcase them through our program.”

Labis-labis naman ang kasiyahan ni Valerie sa kanyang pagbabalik sa unang naging tahanan, ang GMA 7 QTV na ngayon ay GTV na  nang manalo siya sa May Trabaho Ka at nagkaroon ng pagkakataong makapagsimula bilang TV host.

Ani Valerie, “I will be forever grateful to GMA,  The Network paved the way to my dream job as I get to do what I love since I was a kid. Now, I get to travel around, seeing  beautiful places and meeting people from all walks of life. Connecting with them, and sharing their stories to our viewers.”

At sa kanilang bagong season, dadalhin tayo ng I Heart PH sa  iba’t ibang magagandang lugar sa bansa katulad ng Bohol na kilalang-kilala sa kanilang  Chocolate Hills, Tarsiers, heritage sites, old stone churches at iba pang natural and man-made wonders.

Bohol is just one of our initial features, more scenic spots are on our list.

 “But more than the physical beauty, 

The true wealth of our country is us-the Filipino people. I truly enjoy hearing different stories of struggles and triumps that  are uniquely Pinoy. 

“’I Heart Ph’ is not just about travel it’s all about the Pinoy lifestyles. For this new season, the magazine focuses on one of human’s basic necessities- shelter. Apparently, this is also one of the country’s major social issues. Fact is, the Philippines is in the top 10 countries with the most number of homeless people in the world for 2024Ito’y base na rin sa data ng Organization for Economic Development  (OECD).

“Our show will not delve into political and social issues,“ ayon naman kay director Jallawee Beritan. 

Dagdag pa nito, “Still our commitment is to showcase world class visual narratives to our viewers. That do not only feed their senses but their soul.”

Ang I Heart PH ay magtatampok din ng mga bahay, tips at payo sa pagpapatayo at para na rin ma-improve ang kanilang mga bahay. Mula sa  do-it-yourself (DIY) mula sa pagpapagawa hanggang sa pagpapa-repair ng bahay, sa tulong ng mga ekspertong  architects, interior designers at ng iba pang influencers na kanilang inimbitahan.

Our goal is very clear: To share good vibes and inspire our vievers with our feel-good show, ‘I Heart PH,’ sabi pa ni Valerie.

Ang  I Heart PHay hatid ng  TV8, at mapapanood  tuwing Linggo, 10:00 a.m. sa GTV.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …