Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angela Morena Butas

Angela nahuhusgahan sa pagiging Vivamax star

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUTAS ang titulo ng bagong proyekto ni Angela Morena kaya tinanong namin ito kung ano ang pumapasok sa isip niya kapag naririnig ang salitang “butas?”

At nagkaroon na ba ng importansiya sa buhay niya ang salitang ito?

Siguro po for me, “butas” is kulang? Or the feeling of being misunderstood. Kasi alam naman natin na no one is perfect, lahat tayo may “butas” sa pagkatao natin.

“And nasa atin kung paano tatanggapin at kung paano hahanapin ‘yung kulang na iyon sa tamang paraan.

“Kasi ‘yung character ko rito sa maling paraan niya hinanap, eh.  

“At doon kayo magkakaroon ng question pagdating sa moral niya at sa character niya.

“So iyon, kulang and misunderstood.”

Ano ang “butas” sa buhay at pagkatao niya bilang si Angela? 

Hindi ko po ano eh… siguro ‘yung butas sa buhay ko is ‘yung isa akong Vivamax actor, na ‘yung sinasabi na gumagawa ng sexy films, ganito silang klaseng tao.”

May iba na ang tingin sa mga sexy star ay mababa na isang stigma pa rin sa ngayon.

“Pero hindi nila alam o hindi nila naiintindihan kung ano nga ba ‘yung dahilan ko kung bakit ako nandito, kung bakit ko ito ginagawa.

“Na hindi ako katulad o hindi ako ganoong klaseng tao na iniisip nila,” seryosong sabi pa ni Angela.

At dahil daring and sexy ang proyektong Butas (mabilis ang pagkakabigkas bilang pang-uri) natanong si Angela kung ano ang opinyon niya tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon, ang sexual harassment.

Lalo pa nga at sa genre ng kanyang mga proyekto, kadalasan ay mga may mapangahas na eksenang ipanagagawa sa kanya.

Well for me naman po I am trained to work professionally,” pahayag ni Angela. “And as long as you can protect yourself, protect yourself.

“Kasi walang ibang magpoprotekta sa iyo kundi ang sarili mo.

“And respeto.”   

Gumaganap bilang si Mayette, kasama ni Angela sa Butas sina Albie Casiño bilang Noel at JD Aguasbilang Benjie.

Nasa Butas din si Angelica Hart at available na ito for streaming sa Vivamax. Sa direksiyon ni Dado Lumibao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …