Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos SV Sam Versoza

SV sa pagpapakasal nila ni Rhian: Lahat may tamang panahon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI kami nagmamadali. Ito ang tinuran ni Rhian Ramos nang mausisa kung may plano na ba silang magpakasal ng  TV host-public servant na si Sam Versoza.

Sa thanksgiving party na in-organize ni SV sa Manuel L. Quezon University sa Maynila, sinorpresa ng aktres ang katipan at dumalo ito sa pgbabahagi sa masusuwerteng kababayan na napili ng programang Dear SV na mabiyayaan ng food business bilang bahagi na rin ng birthday celebration ng kongresista.

At dahil tatlong taon na ang relasyon nina Rhian at Sam inusisa namin kung wala pa bang planong magpakasal ang dalawa.

Ang dami kong natutunan. Not just about relationships, about myself din, about Sam, about being a good partner, and what that really means, what healthy communication is,” ani Rhian ukol sa tatlong taon nilang relasyon.

Siyempre kapag may away, doon mo lang matututunan kung ano ang healthy communication and healthy arguing. Ngayon ko lang talaga nadi-discover. We try to be as patient with each other as possible. We support each other no matter what,” sabi pa ng magandang dalaga.

Nag-grow ako as a person. I’ve matured. Ito na ‘yung one of the best versions of myself.

“Dahil sa kanya nga, lalo pang nailabas ‘yung mga magaganda sa akin at nabawasan ‘yung mga hindi magaganda at nabago ko ‘yung hindi magagandang ugali. Lahat ‘yun nagawa ko dahil sa pagmamahal,”sabi naman ng TV host.

At dahil kapwa abala sa kani-kanilang career nahihirapan ang mga ito na  makahanap ng oras para magkaroon ng mahaba-habang oras para sa isa’t isa.

Ngayon pa lang, hirap na kaming gumawa ng time. Ginagawan na lang talaga namin ng paraan, we’ll have a couple of hours together,” sabi pa ni Rhian.

Kapag nagta-travel, mas nakikilala namin ang isa’t isa kasi walang istorbo. Napag-uusapan ang buhay, ang future, naaayos ang hindi napag-uunawaan,” sabi naman ni SV.

At nang matanong ang dalawa ukol sa pagpapakasal, sinabi ni Rhian, “Mahaba pa ang life. Hindi naman kami nagmamadali. Darating din ‘yan.”

Sumang-ayon  naman dito si SV, “Lahat may tamang panahon. Darating po ‘yan. Siyempre ‘yung future namin, napapag-usapan namin. We’re both mature individuals.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …