Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
I-Witness

Kabayanihan at serbisyo tampok sa ika-25 taon ng I-Witness

RATED R
ni Rommel Gonzales

TAONG 1999 nang ilunsad nina Jessica Soho at iba pang pathfinders ng GMA-7 sa pangunguna ni Marissa Flores ang isang documentary program na mas malalim na tatalakay sa mga isyung karaniwang nakikita lang sa balita.

Mula rito ay ipinanganak ang I-Witness, ang kauna-unahang TV documentary show na kalauna’y naging pinaka-premyadong documentary program sa Pilipinas. Sa ika-25 taon nito ngayong 2024, ang I-Witness na ang longest-running Public Affairs program sa bansa.

Naging matagumpay ang show sa loob ng maraming taon dahil hindi lamang ito simpleng “legacy show.” Ang mga itinuturing na icons sa larangan ng broadcast industry tulad nina Jessica, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jay Taruc, Sandra Aguinaldo, Cheche Lazaro, Luchi Cruz-Valdes, at Vicky Morales ay naging bahagi ng I-Witness bago pa man sila magkaroon ng kanilang sariling mga programa.

Marami ring mga producer at direktor ang natuto at nahasa ang kakayahan sa paggawa ng mga de-kalibreng dokumentaryo sa I-Witness. Patunay rito ang mga parangal at pagkilala, kabilang ang dalawang George Foster Peabody awards, ilang New York Festivals World Medals, Asian TV Awards, Asia-Pacific Child Rights Awards, at isang nominasyon sa Emmy.

Patuloy ang I-Witness sa paghahatid ng mga makabuluhan at mapanghamong kuwento.

Sa espesyal na selebrasyon ng 25 taon nito, ibabahagi ng I-Witness ang documentary episodes na magtatampok ng mga kuwento ng kabayanihan at serbisyo para sa bayan. Sina Kara David, Howie Severino, Atom Araullo, John Consulta, at Mav Gonzales, kasama ang kanilang mga team ay maghahatid ng mga kakaibang kuwento mula Mindoro hanggang Sulu.

Kabilang sa mga tampok na kuwento ang tungkol sa mga tagapag-alaga ng mga agila (“Kabilin sa Panapatan” ni Atom Araullo), isang Mangyan youth na tumutulong sa komunidad na makuha ang kanilang birth certificate (“Sa Ngalan ng Pangalan” ni Howie Severino), mga coach na nagsasanay ng competitive swimmers sa isang liblib na isla (“Swim for Gold” ni Mav Gonzales), isang doktor na sakay ng bangka upang magbigay ng serbisyong medikal sa isang liblib na bayan, (“Doctor on Boat” ni John Consulta), at mga katutubo sa Mindanao na tumutulong sa mga biktima ng pang-aabuso upang magsampa ng kaso laban sa mga salarin (“Kapalit ng Katahimikan” ni Kara David).

Panoorin ang mga espesyal na episode na ito tuwing Sabado, simula Setyembre 14 hanggang Oktubre 12,  10:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV para sa mga Kapuso abroad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …