Monday , May 5 2025
Joel Villanueva

Villanueva naglinaw sa nasambit na ‘bingo’

INILINAW ni Senador Joel Villanueva na ang kanyang pahayag na ‘bingo’ ay tumutukoy sa pangalang isinulat ni Shiela Guo, sinabing ‘kapatid’ ni dating Bamban Mayor Alice Guo, pangalan na minsan nang nabanggit sa pagdinig at ipatatawag ng senado.

Ang paglilinaw ni Villanueva ay kasunod ng kumakalat na fake news sa social media.

Ayon kay Villanueva maliwanag sa isinulat ni Shiela na iyon ang mga taong kasa-kasama ni Alice Guo at hindi ng kahit sino-sino.

Naniniwala si Villanueva, ang mga tangkang ilihis ang katotohanan at usapin ukol sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) ay hindi magtatagumpay.

Nagbanta at nagpaalala rin si Villanueva sa mga pangalan na binanggit si Shiela na hindi sila makapagtatago at mabuti pang dumalo sa pagdinig ng senado at magsabi ng katotohanan.

Ayon kay Villanueva, hindi maaring makalusot sina Ms. Kat at Ms. Gee, mga pangalang isinulat ni Shiela Guo dahilan para makapagkomento siya ng ‘bingo’ matapos itong mabasa.

Iginiit ni Villanueva na hindi maaring paglaruan ang imbestigasyon ng senado dahil hindi ito perya o sugal na beto-beto.

Nanindigan si Villanueva na walang kahit na sino ang maaaring bahiran ang isinasagawang imbestigasyon lalo ang mga miyembro ng bawat komite. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …