Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JD Aguas Angela Morena Angelica Hart Albie Casino

JD Aguas G maghubad makapag-artista lang

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAKI ang pagkakahawig ng Vivamax actor na si JD Aguas sa young actor na si Nash Aguas.

At ang paliwanag doon ay magpinsan pala sila.

At dahil patuloy pa rin ang usapin ng sexual harassment na naikonek na nga sa paglalagay ng plaster sa private part ng mga male star kapag may mapangahas at hubarang eksena sa pelikula, pinag-react si JD, bilang sexy actor siya, tungkol dito.

Lahad ni JD, “Ang take ko about the issue is ‘yung consent po between the actor and the director.

“Kung talagang nandoon ka for the work, na hindi anything else na may agenda kang iba, bilang aktor, responsibility mo iyon at ng direktor.

“‘Yung consent, kung ‘yung aktor mismo ang pumayag, may consent mo, tapos biglang nag-react ka, pero lumipas na ‘yung panahon, tapos ang katuwiran mo, ‘Baguhang aktor ako noon,’ for me, hindi tama iyon.

“Baguhang aktor din ako. Pero kung walang consent, doon ka talaga puwedeng magreklamo.

“Pero kung hindi ka nagsalita, ibang bagay na po ‘yon.”

Male lead sina JD at Albie Casiño sa Butas ng Vivamax with Angela Morena sa direksiyon ni Dado Lumibao.

Pinasok ni JD ang pagpapaseksi dahil gusto niya talagang maging artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …