Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Films Chavit Singson Annette Gozon Valdez

Chavit at GMA nag-collab, gagawa ng pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

TOTOO na nga kayang magko-collab ang GMA Films at si Chavit Singson sa paggawa ng pelikula? 

Nagpirmahan na raw ang dalawang grupo, ang GMA Films ay kinatawan ng kanilang presidenteng si Annette Gozon Valdez, samantalang si Chavit naman mismo ang pumirma para sa kanyang sarili. May nabuo na raw silang gagawing project.

Hindi man sabihin, tiyak na isang sexy drama ang gagawin nilang iyan.

Lately wala namang gumagawa ng malalaking sex drama movies. Kung may sexy man, indie lamang iyon at siguro naman hindi na kailangang magsosyo ang GMA at si Chavit kung indie lang ang gagawin nila. Tiyak iyan sa initial offering nila malaking pelikula agad iyan.

Para kay Chavit, mahalaga ang success ng project dahil lahat ng ginawa niya in the past ay pumatok. Alangan namang masira pa ang record niya sa pelikula. Iyang GMA naman ay nakagawa na ng maraming hit movies na humakot pa ng awards, pero mukhang umiiwas sila sa mga masyadong malaking pelikula kaya hindi na sila gumagawa maliban kung may ka-collab. 

Ngayon nga ka-collab nila ang dating kalabang ABS-CBN para sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na inaasahang magiging isang malaking hit ulit.

Baka kung magtagumpay ang kanilang collab ay makapag-set sila ng trend sa industriya at mabuhay na muli ang sigla ng pelikulang Filipino. Ang kailangan lang naman talaga ay may mamuhunan ng malaki sa pelikulang Filipino dahil ang malalaking producers noong araw ay tumigil na, o kaya naman ay puro mga maliliit na pelikula na rin ang ginagawa simula noong pandemya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …