Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mon Mendoza Calvin Reyes

Mon at Calvin palaban, ‘kakagat sa alok’ para sa pamilya

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI pa talaga matatapos ang usapin ng sexual harassment na may kaakibat na indecent proposal sa showbiz, lalo na sa mga lalaking artista.

Laging natatanong ang mga guwapo at hunk male stars tungkol dito lalo pa at sila ang lapitin ng ganitong sitwasyon.

Tulad na lamang ng dalawang Vivamax actors na sina Mon Mendoza at Calvin Reyes na mga bida sa F Buddies.

Nakakaloka kung sumagot ang dalawa, lalo na si Mon na matapang at mapangahas magbitiw ng salita, nagbibiro man o hindi.

Sa tanong kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag may natanggap na indecent proposal ang sagot nito ay,  “Kung sakaling mayroon, baka pumayag ako!”

Pero sinundan ito ni Mon ng “Joke lang po.

“Kasi kumbaga, nasa sa iyo naman po ‘yun kung papayag ko o hindi.

“Pero mas masarap na maranasan ‘yung tagumpay kung galing ka sa ibaba. ‘Yung paghihirapan mo po muna talaga.”

What if bongga ang offer, malaking halaga ng pera, o condo unit o kotse kapalit ang katawan ni Mon?

Kahit tempting, pero siyempre magdadalawang-isip ako,” deretsahang sagot ni Mon.

Kasi paano po kung maganda yung offer, ‘di ba?

 “Hihiga ka lang naman.”

Kaloka siya ‘di ba, at least honest si Mon.

Matindi rin ang sagot niya sa tanong kung naniniwala ba siya sa kasabihang ‘lalaki naman kaya walang mawawala?”

Naniniwala po ako, huwag ka lang po sigurong matitira sa puwet,” ang nakababaliw pa ring sagot ni Mon na ikinatuwa namin. Charot!

Si Calvin naman honest ding ibinulgar na may mga natatanggap siyang mensahe lalo pa noong napapanood na siya sa mga sexy project ng Vivamax.

Aniya, “May mga nagme-message po na ganito, ganyan na offer.”

Wala raw tinatanggap o sinasagot si Calvin sa mga nag-aalok sa kanya.

Pero kapag dumating na po ako sa point na kailangan na po siguro, papasukin ko na rin po siguro, kapag kailangang-kailangan na ng pamilya ko. Para sa pamilya ko.”

Mabuting anak si Calvin.

Anyways, napapanood na via streaming ang F Buddies ng Vivamax na bidang mga babae naman sina Candy Veloso at Denise Esteban, idinirehe ni Sid Pascua at isinulat ni Quinn Carillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …