Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juan Luna (Isang Sarsuela) kahanga-hangang pagtatanghal ng PSF

Juan Luna (Isang Sarsuela) kahanga-hangang pagtatanghal ng PSF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAHUSAY at hindi nakaiinip ang panonood namin ng Grand World Premiere ng stage musical na Juan Luna (Isang Sarsuela), na pinagbibidahan nina AttyVince Tanada at JohnRey Rivas na ginanap kamakailan sa Adamson University.

Nagustuhan namin ang kanilang pagpapalabas at kahanga-hanga ang ginagawang pagsasadula ng grupo ni Atty Vince  at ng kanyang grupo ng mga biopic ng ating mga bayani.

Walang tulak-kabigin ang mga theater actor na nagsipagganap sa musical play na handog ng Philippine Stagers Foundation. Hindi lang ang kanilang mahusay na pag-arte at pagsasadula ng kuwento ang kahanga-hanga, maging ang mga kasuot ay kahanga-hanga. Napakagaganda na kaya naman pala ay ginastusan talaga. Umabot pala ng P1-M ang production at lahat ng mga kasuotan ay idinisenyo ng very supportive na “Ina ng PSF,” na si Ms Emy Tañada samantalang si OJ Arci ang production at stage manager.

Isinulat at idinirehe ang Juan Luna (Isang Sarsuela) ni Atty. Vince at lahat ng kanta ay orihinal na isinulat at inareglo ng award-winning musical director na si Peter Paul Pipo Cifra

Bukod kay Vince na gumanap bilang alter-ego na si Juan Luna (Luna2) at ang talented at energetic na Prex ng PSF, na si Johnrey (bilang Luna 1), ang iba pang nagsiganap ay ang singer/recording artist na si John Arcenas (Jose Rizal), JP Lopez (Marcelo H. Del Pilar), Jomar Tanada Bautista (Hen. Antonio Luna), at Fidel Redado (Trinidad Pardo de Tavera). Kasama rin ang empowered women dramatists na sina Vean Olmedo (bilang Ina), Ms. Adelle Ibarrientos -Lim (Juliana Pardo de Tavera), Yvonne Ensomo (Paz De Tavera), Reign Lanz (Nellie Bousted), at isang grupo ng mga aktor ng PSF, sa pangunguna ng miyembro ng PSF pioneer na si Chris Lim (King Alfonso XII), Chin Ortega (halili ni Chris), De’Rotsen Etolle, Lance Cabradilla (Andres Bonifacio), at marami pang iba.

Ang Juan Luna (Isang Sarsuela) ay bilang paggunita sa ika-140 anibersaryo ng Spoliarium. Ang musical play ay ukol sa paglalakbay ng rebolusyonistang Filipino, isang pintor. at nanalo ng gintong medalya noong 1884 Exposicion Nacional de Bellas Artes sa Madrid, na nagpasiklab ng rebolusyonaryong kilusang propaganda laban sa pamahalaang Espanyol sa mga Filipinong naninirahan sa Europa, kabilang sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Trinidad Pardo De Tamera, Gen. Antonio Luna, at Juan Luna.

It’s an honor to perform for all of you. I’ve been performing for the past 40 years and in a way, I have tried several things and tried doing films when my father past on because of Covid in 2020. Now that I’m back to my original love, theater, I’d like to encourage all of you to meet our history, very much alive, amidst the ongoing revision and extortion, and it is quite important to all to show the art as a medium to educate our young people,” ani Atty Vince matapos ang pagtatanghal na pinalakpakan ng mga nanood.

At bilang pagbubukas ng 24th Season ng PSF, ang Juan Luna, Isang Sarsuela ay maglilibot sa buong bansa hanggang Agosto, 2025 sa mga pangunahing lungsod at state universities. 

Para sa mga interesado, makipag-ugnayan sa FB account, ang Stagers Channel o mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09171645078/09566690335.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …