Friday , November 22 2024
Alfred Vargas Wu Wei Taipei International Film Festival

Alfred Vargas wagi bilang Best Actor sa Wu Wei Taipei International Film Festival

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWANG isa na namang tagumpay ang nakamit ng pelikulang Pieta. Kinikilala ang husay at galing umarte ni Alfred Vargas matapos itanghal na Best Actor sa katatapos na Wu Wei Taipei International Film Festival.

Masayang-masaya ngang ibinahagi sa amin ni Alfred ang pagwawagi sa Wu Wei Taipei International Film Festivaldahil isa na namang malaking karangalan ito para sa kanilang pelikulang Pieta na pinagbibidahan din nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, at Gina Alajar na idinirehe ni Adolfo Alix Jr..

Ani Alfred, kakaiba at isabg malaking karangalan ang pagwawagi niya sa international filmfest.

Narito ang post ni Alfred sa kanyang Facebook account: 

Ad Majorem Dei Gloriam! ❤️🙏🏽

“Extraordinarily grateful and honored to receive the TAIPEI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL BEST ACTOR AWARD!

“Thank you, everyone who believed in me. Thank you, Team PIETA Direk Adolf @aalixjr , Ate Guy, Direk Gina Alajar and all the cast and crew!!! And most of all, thank you, Lord!!! ❤️🙏🏽

“Special thanks to my loving and supportive wife, Yasmine @yasmine_vargas2307 and my four children, Alexandra, Aryana, Cristiano and Aurora ❤️ Thank you, NDM Studios @njeldemesa and the whole team. Thank you to all the organizers and staff for the wonderful program that was for the books! Truly and unforgettable night. “

Ito bale ang ikalawang beses na pagwawagi ni Alfred ng best actor sa pelikulang Pieta. Unang kinilala ang kanyang husay sa 72nd FAMAS Awards.

Bukod kay Alfred nagwagi rin sa Wu Wei Taipei International Film Festival si Kiray Celis bilang Breakthrough Performance Award sa natatangi niyang performance sa pelikulang Malditas in Maldives. Wagi rin ang pelikulang ito ng Best Picture. Nanalo rin sa nasabing filmfest ang singer-actor na si Gerald Santos at ang Vivamax Queen na si Angeli Khang.

Wagi si Gerald ng Best Actor in a Movie Musical para sa pelikulang Al Coda. Best actress naman si Angeli para sa mahusay niyang pagganap sa Silip Sa Apoy.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …