ni Ed de Leon
SA nauna niyang ginawang BL, hindi siya ang bida, pero ang role ng male star ay siya ang poging kinababaliwan ng mga bading sa school.
Sa kanyang kasunod na BL, bida na nga siya pero siya na ang bading na laging humihingi ng sex sa kanyang partner na pogi. Wala pa naman siyang ginagawang mahalay talaga, pero sa palagay namin doon na papunta iyon.
Kung ganyan na ang role niya ano pa nga ba ang gagawin niya sa susunod kundi maghubo’t hubad na rin sa mga indie nilang barya lang naman ang bayad.
Kawawang mga bata, hindi iyan harassment pero maliwanag na sexual exploitation, at iyan ay nakalulusot sa MTRCB dahil nasa internet streaming nga lang sila. Kumusta kaya ang bayad sa kanila? Kumusta rin ang kalagayan nila sa set habang ginagawa ang taping. Kung iisipin sakop sila ng EGL, pero naipatutupad nga kaya?