Sunday , December 22 2024
James Reid

James Reid ‘di patok ang mga kanta

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG kawawa naman si James Reid, ipinagmamalaki ang bago niyang kanta na hindi naman halos naririnig sa radyo at nasa mga plugging lang niya mismo sa social media. Ewan kung naiisip din niyang kahit na marami siyang followers sa social media mahirap kumbinsihin ang mga iyon na mag-download at magbayad kung hindi sila familiar sa kanyang kanta?

Iyan ang kaibahan ng recording noong araw. Dahil napapatugtog nga sa mga estasyon ng radyo, nagiging familiar ang mga tao at gugustuhin nilang marinig na iyon ng paulit-ulit kaya bumibili na sila ng CD. Eh ngayon, hindi man lang nila naririnig iyon bakit naman sila magda-download at magbabayad agad?

Kung pababayaan mo naman silang marinig iyon sa social media, hindi mo masisiguro na hindi sila makakapag-download at kung nagawa na nila iyon, hindi na sila bibili. Bakit ka pa nga ba magbabayad kung may kopya ka na.

Kaya kahit na ano nga ang gawin ni James, masabi mang nagustuhan ng kanyang fans ang kanta, kikita ba siya? Isa pa ang mga kantang ginagawa niya sa ngayoan ay hindi pang-masa, ibig sabihin hindi marami ang bibili niyan. At kung sakali mag-eenjoy ba silang makinig niyon sa kanilang mga cell phone lamang o computers?

kung sa bagay, hindi lang naman si James, talagang matamlay ang industriya ng musika hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo at ang mga singer lang na kumikita ay iyong napapanood sa mga concert at ang conxert ngayon ay hindi na kanta lamang, kailangan ang choreography. Kaya nga mag-iisip ka makakasayaw ba sila at makakakanta nang maayos ng sabay? Malamang sa hindi, nagsasayaw lang sila at ang mga kanta nila ay lip synch na lamang.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …