Wednesday , January 15 2025

QC gov’t No. 1 most competitive LGU

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

WALA na yata makatatalo sa pamahalaang lungsod ng Quezon pagdating sa parangal. Sa tuwing may ganap kasi kaugnay sa pagpaparangal sa mga local government units (LGUs), hindi nawawala sa talaan ang QC – LGU.

Ano kaya ang meron sa Kyusi na wala sa ibang local government units (LGUs)? Ano kaya ang sekreto ng pamahalaang lungsod?

Wala naman sekreto ang QC para laging kilalanin at sa halip, ang sekreto o kung ano ang mayroon ang lungsod ay ang ‘ika nga good governance o good leadership sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Kaya damang-dama ng milyong QCitizens ang lahat ng programa ng lungsod na inilaan para sa kanila.

Hindi nga lang ang QCitizens ang nakararamdam sa pagmamalasakit sa kanila ng QC LGU kung hindi maging ang mga hurado kaya, napili na naman nilang parangalan ang pamahalaang lungsod. Ibig sabihin, kung hindi ramdam ng mga hurado e malamang na hindi kilalanin ang nasabing lungsod. Correct na may check.

Kaya ang resulta, kinilala na naman ang Quezon City Government…at  hindi lang isang parangal ang tinanggap kung hindi humakot ito ng limang parangal kabilang rito ang Overall Most Competitive Local Government Unit – Highly Urbanized Category.

Ginawaran kamakailan ang QC government sa ginanap na Creative Cities and Municipalities Congress 2024  na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI).

Heto pa ang ilang sa mga parangal – nakakuha ng matataas na puntos ang QC LGU sa mga kategoriya na  Most Competitive: Infrastructure, Special Award  mula sa Intellectual Property Office of the Philippines dahil may pinakamaraming bilang ng intellectual property filings.

Wait and there’s more – lkalawa at ikatlo naman ang Quezon City bilang Most Competitive: Innovation at Most Competitive: Resiliency award categories.

Ang pagkilala ay mula sa Cities and Municipalities Competitiveness Index 2024 awarding ceremony na ginanap sa Manila Hotel.

“Ang mga pagkilalang ito ay pagpapatibay sa magandang trabaho ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng lahat ng QCitizens,” sabi ni QC Mayor Joy Belmonte na dumalo sa parangal kasama si Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia at City Planning and Development Department OIC Jose Gomez, Jr.

“Alay natin ang mga award na ito sa ating mga katuwang sa paglilingkod sa pamahalaang lungsod at sa mga QCitizen na walang patid na nagtitiwala sa kakayahan ng siyudad na magsilbi,” pahayag pa Alkalde.

Binigyang diin ni Belmonte na ang mga parangal ay magsisilbing inspirasyon na maiangat pa ang buhay at mapahusay ang pagkakaloob ng serbisyo sa mga  QCitizens.

Ito na ang ika-apat na sunod na taon na ang QC ay nakasungkit sa Overall Most Competitive Local Government Unit mula nang maging Hall of Famer noong 2019.

Congratulations sa inyo Mayor Joy sampu ng inyong mga opisyal, kawani at iba pa na bumubuo sa QC LGU.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …