Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan Ahron Villena

‘Sagot’ ni direk Joel kay Ahron fake

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI ‘to galing kay direk Joel Lamangan.”

Ito ang paglilinaw ng line producer na sj Dennis Evangelista ukol ukol sa kumakalat na post mula sa verified Facebook account ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Isang post kasi sa FB ni direk Joel ang nakalagay na sinasabing sagot sa ibinahagi ni Ahron Villena ukol sa direktor na nangharas sa kanya noong baguhan pa siya bagamat wala ring inilagay na pangalan ang post ng direktor.

Ayon sa post ni direk Joel, “Paano ka inabuso kung yoon naman ay iyong ginusto? Ikaw pa nga ang may sabi na is*b*.

“Kaya ka hindi kinukuha sa leading man roles ay dahil alam sa buong network at production circles na bakla ka. Hanga din naman ako sa iyo tumagal ka sa industriya dahil sa pamomokpok.

“llang baklang direktor at producer na ang iyong pinatikim ng panandaliang aliw at hinimod ang papaitan para magka project ka. Naka ilang rich gay benefactor ka na aber? llan na sa kanila ang tumira sa lyo para makuha mo gusto mo?

“Balita ko may ka live in ka pa na bakla ngayon sa Makati na nagbigay sayo ng negosyong bar at may mga anak anakan pa kayo na aso.

“Nakikisawsaw ka sa isyu para ikaw ay umingay at mapag usapan dahil pa laos na. Kaya itahol mo lang yan. Pero never ka inabuso dahil yoon ay ginusto mo.”

Na agad namang pinasinungalingan ni Dennis at sinabing hindi sa premyadong direktor galing ang post na ito. 

Giit ni Dennis, fake ang post na iyon.

Post ni Dennis kaugnay sa fake post: “Hindi to galing kay direk Joel Lamangan. May poser si Direk Joel Lamangan na nagpapanggap na siya, kumukuha ng datung sa mga gustong mag artista at pinag brief online.

“Tungkol sa pahayag ng artista na allegedly ay pinatatamaan ang Sikat na direktör na siya sexually harassed — walang pahayag o pagpatol na sinasabi si direk Joel Lamangan.

“Hindi ganitong mag salita at hindi niya legit na acct etong naka post na to. Hindi rin niya ugaling manlait ng tao.

“Sa kasalukuyan ay busy si direk Lamangan kaya wala siyang panahon pumatol sa mga ganitong isyu.”

Sa interview naman ng PEP Troika kay direk Joel sinabi nilang nililinaw nito na hindi ipinagmamalaki ng direktor na matagal na ang kalakaran na pumapatol ang asipiring actors at actresses sa mga may puwesto o kapangyarihan sa showbiz para magkaroon ng proyekto at umaangat ang career.

Sinasagot ko lang ang tanong niyo. Wala akong sinisiraang ibang tao,” giit ng direktor sa PEP Troika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …