Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Contact tracing inilarga ng QC LGU
MPOX PATIENT UMISKOR  NG ‘EXTRA SERVICE’ SA SPA

082224 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

MAIGTING ang contract tracing na ginagawa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa isang dermatology clinic at spa na sinasabing binisita ng naitalang bagong kaso ng Mpox sa Filipinas ngayong taon.

Ayon sa alkalde, ang natukoy na pasyente ay 33-anyos lalaki na nagtungo sa dalawang establisimiyento sa Quezon City.

Kabilang dito ang isang massage spa sa E. Rodriguez, Quezon City na binisita noong 11 Agosto at sa isang derma clinic noong 15 Agosto.

Napag-alaman ng QC Health Department, tumanggap ang pasyente ng ‘intimate service’ sa spa na kanyang pinuntahan.

Target din ng contact tracing ang 41 indibiduwal kabilang ang mga empleyado ng spa at ng derma clinic,  pito sa kanila ay residente ng lungsod.

Naka-quarantine sa kani-kanilang tahanan ang mga itinuturing na close contact ng pasyente na magtatagal hanggang tatlong linggo.

Ipinasara ng LGU ang spa dahil sa kabiguang magpa-renew ng mayors permit at sanitary permit.

Ayon sa QC Health Department, nakababahala ito lalo pa’t napag-alamang tumanggap ang pasyente ng ‘intimate service’ sa spa na kanyang pinuntahan.

Hinikayat ng LGU ang publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na pagamutan kung may nararamdamang sintomas ng Mpox.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na naipapasa ang Mpox sa pamamagitan ng close at intimate contact.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …