Friday , November 22 2024
Drug den sa Subic sinalakay, apat na tulak nasakote

Drug den sa Subic sinalakay, apat na tulak nasakote

Nagawang mabuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang makeshift drug den sa bayan ng Subic sa Zambales na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na indibidwal at pagkakumpiska ng nasa Php 61,200.00 halaga ng shabu kasunod ng ikinasang  buy-bust operation sa Purok 1, Barangay Matain, noong Sabado, Agosto 17.

Kinilala ng PDEA Zambales Provincial Office ang mga nahuli na suspek na sina Jayson Minguito y Gaylan, 36, residente ng Salang St., Sitio Aplaya, Purok 1, Brgy. Matain, Subic, at Zambales na siyang drug den maintainer; Alvin Eclevia y Chang, 51, residente ng Brgy. Barretto, Olongapo City; Adrian Viray y Andong, lalaki, 29, residente ng Brgy. Ang Sta. Rita, Olongapo City; Reggie Español y Miranda, 39, na residente ng Brgy. Calapacuan, Subic, at Zambales.

Tinatayang siyam na gramo ng shabu na nagkakahalagang Php 61,200.00; samu’t saring paraphernalia sa pagsinghot; at cash money ang nakumpiska sa operasyon.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na elemento ng PDEA Zambales Provincial Office, PDEA Subic Interdiction Unit at Subic Police Station.

Nakakulong ngayon ang mga naarestong suspek sa PDEA RO III Jail Facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …