Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Pertierra Atom Araullo

Atom nalamangan na ni Anjo Pertierra 

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAW pa ring magpa-iwan sa iba ang Unang Hirit kaya nang hindi sila makapag-schedule ng guesting ni Carlos Yulo sa kanilang show naghanap naman sila ng look alike niya at iyon ang inilagay nila sa kanilang show, si Andrei Santos. Hindi naman talagang look alike iyon ni Carlos, kasing laki lang at medyo katipo kaya kung titingnan mo sa malayo ay look alike nga, pero sa malapitan ang layo naman ng mukha kay Caloy.

Pero at least may napag-usapan sila. May kamukha pala si Caloy at iyon nga ang kanilang nakasama. Hindi naman seryoso iyon kaya nga wala naman silang main host na pinaharap kundi si Anjo Pertierra

Sa Paris ay nakita rin ang isa nilang anchor person, si Atom Araullo, kasama ang sinasabing syota niyong si Zen Hernandez ng ABS-CBN, pero bakasyon lang iyon kay Atom, hindi siya sumama sa coverage ng Olympics, kasama nila sa lakwatsa ang mga dating taga ABS-CBN  na mga kaibigan nila.  Iyan namang si Atom ay taga-ABS-CBN talaga at lumipat lang sa GMA noong mawalan ng prangkisa ang network. Siyempre ang paniwala niya ay magiging star presenter siya ng GMA dahil sa kanyang personalidad, eh kaso biglang sumulpot si Anjo Pertierra na pogi rin at dating athlete at mas mahusay makibagay sa masa at walang angal saan mang coverage ilagay. Kaya nga kahit na ang totoo ay weather presenter lamang sana si Anjo, ngayon tila nasapawan ni Anjo si Atom. Mas marami ng fans ni Anjo.

Kita naman ninyo maski na look alike lang ang ipa-interview sa kanya ok lang, hindi siya namimili ng assignment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …