INILANTAD ni Niño Muhlach ang palitan ng text messages ng kanyang anak na si Sandro at ng isa sa akusadong si Jojo Nones bago mangyari ang umano’y pang-aabuso sa kanyang anak. Ang text messages ay isa sa mga ebidensiyang hawak nila na magpapatunay na totoo ang sinasabi ng kanyang anak ukol sa ginawa nina Nones at Richard Cruz.
Iginiit din ni Nino na inabuso ang kanyang anak ng mga headwriter ng Kapuso Network.
Na matigas na itinanggi kapwa nina Nones at Cruz ang akusasyo sa pagharap nila sa hearing ng Senate committee on public information and mass media, na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla.
Paglalahad ni Nino, madaling araw na nang unang mag-text si Nones kay Sandro. Hindi naman ito itinanggi ng dalawang writer subalit iginiit na hindi nila inimbitahan si Sandro sa kwartong tinutuluyan nila sa hotel.
“Nainsulto talaga ako noong sinabi nila sa media na si Sandro ang unang nag-text,” ani Nino. “That’s why I’m doing this for my son and for all the others na dumaan sa ganitong sitwasyon na walang kakayahan lumaban,” dagdag pa.
Pagbabahagi ni Nino, unang nag-text si Nones kay Sandro 3:59 a.m. noong July 21.
“Hi, Sandro. Saw you kanina, didn’t get to say hi. Nakauwi ka na?” pagbabasa ni Niño sa text na ipinadala sa kanyang anak mula sa hawak na cellphone.
“Sir Jojo, sorry po. Di po kita nakita kanina. Naka check-in po kami right now sa Marriott, Sir. Hope to see you soonest, Sir Jojo,” reply ni Sandro.
“Enjoy. Still partying, sino kasama mo?” muling text ni Jojo na sinagot naman ni Sandro na kumakain siya kasama ang mga kaibigang sina Nate at Elijah Alejo.
Muling nag-text si Jojo ng, “Be safe.” At ang sagot ni Sandro: Thank you, Sir Jojo. Hope to work with you again. See you soon po.”
Sa patuloy na pagbabasa ni Nino, nag-text uli si Nones ng, “Nabitin ako sa inom hahahaha.
Na sinagot ni Sandro ng, “Ako nga rin po eh.”
Text muli ni Nones, “Yes, soon. Cast kita nagdi-direk ako now.”
Sandro: “Wow, sir. Looking forward to that too.”
Nones: “Gusto mo ba? We have some alcohol here in the room. We can order some more.”
Sandro: “Saan po kayo, Sir?”
Nones: “Belmont Hotel, katabi lang ng Marriott.
Sandro: “Sino-sino po kayo, Sir? Hahaha.”
Nones: “Just me.”
Pagkaraan ng text na ito hindi na raw nag-reply si Sandro.
“Siyempre, ‘yung bata, nakita na siya lang mag-isa, hindi na sumagot. Natakot,” wika ni Nino.
Muling nakatanggap ng text si Sandro mula kay Jojo ng 4:27 a.m.: “Hahaha just kidding. But we’re wrapping up in a bit.’
Sandro: Nandyan pa ba kayo, Sir? Baka po pwedeng dumaan saglit hahahaha.”
Nones: “Sure, may kasama ka?”
Sandro: “No po, ako lang. Kabababa ko lang po sa room ng friends ko.”
Nones: “Oks, Belmont Hotel. 700B.”
Sandro: “Okay po, akyat po ako.”
Pagkatapos magbahagi nito si Nino nagsalita ang abogado nina Nones at Cruz, si Atty Maggie Abraham-Garduque, na hindi naman idinenay ng dalawa ang una nilang pagte-text kay Sandro.
Na inalmahan ni Nino. Anito, “Bakit niyo pinalalabas sa media na si Sandro ‘yung unang nag text?”
“Your honor, we have no…wala po kaming pinapalabas sa media na si Sandro ang unang nag text. We just mentioned that there was a message like that,” sagot ni Garduque.
Kinuwestiyon naman ni Sen. Jinggoy Estrada, isa sa mga dumidinig sa kaso, kung bakit daw sa mga una nilang testimonya ay parang pinalalabas nila na si Sandro ang unang nag-text?
“It was not our intention,” sagot ni Garduque.