Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anna Magkawas Ivy Ataya 2

Show nina Ivy at Ms A nasa 4th season na

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINANONG namin ang producer ng Negosyo Goals with Miss A na si Ivy Ataya ng Makers Mind Media Production kung paano sila nagkaroon ng konek ni Anna Magkawas o Miss A na host ng entrepreneurial program ng GTV.

Ang naka-discover sa kanya si Jerry Santos. Si Mr. Freeze, ‘yung first na TV host ko.”

Si Jerry ay isang negosyante na kaibigan din ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna. Si Jerry din ang unang host ng Negosyo Goals.

Pagpapatuloy ni Ivy, “So mayroong photoshoot si Mr. Freeze noon na magkasama sila para maging brand ambassador ng isang brand, and then, tumawag sa akin si Jerry, sabi niya, ‘Ivy, I’ve met Ms. Anna Magkawas, she’s very nice’, sabi niya, ‘i-try mong i-feature siya sa TV show natin, napakabait, napaka-humble.’

“Sabi ko, ‘Jerry tawagan mo ko mamaya.’

“Anyway, ganito sabi niya, ‘Mayroon akong na-meet, si Ms. Anna Magkawas, napakabait niya!’

“Tapos iyon, ang tagal namin bago kami nakapag-usap ni Miss A dahil napaka-busy niya, and then, madali niyang nagustuhan ‘yung ‘Negosyo Goals’ kasi it’s a visionary TV show.

Tapos nag-contract signing na kaagad, and then ‘yun.

 “Medyo mga ilang episodes pa bago kami nag-meet, kasi that time I was the manager of Jerry Santos, medyo ako nakabantay, and then naka-divide naman ‘yung isang second team ko for Miss A.

“Pero ang first parang reaction or feedback ng mga team ko is that first taping days nila, napakamaalaga ni Miss A. 

“Umabot pa siya sa point na she’s not very comfortable about her outfit, talagang pumunta siya sa mall just to find a way na magsuot siya ng proper.

“At sakw nagpapa-Starbucks din siya sa buong production team ko,” at tumawa si Ivy.

Palagi rin daw maraming dalang pagkain si Anna para sa buong production team.

Samantala, nasa 4th Season na ngayon ang negosyo Goals with Miss A.

Si Anna ang CEO at founder ng Luxe Beauty and Wellness Group at bigatin ang mga celebrity endorser niya, kabilang na sina Marian Rivera (for Ecran De Luxe sunscreen), ang sikat na Blackman family (Jeraldine, her Australian husband Joshua at dalawa nilang anak na sina Nimo, 6, at Jette, 4) na pamilya ng mga vloggers mula sa Australia Luxe Kids Powdered Drink, at si Vice Ganda na endorser naman ng Luxe Skin  Beauty Talks Booster C + C at Luxe Skin Beauty Talks L’Anna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …