Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Edward Chico

Edward Chico abogadong stand-up comedian, sariling tatak sa komedya at kadalubhasaan sa batas ipakikikita

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO ang abogadong si Edward Chico na hindi sanay humarap sa entertainment press dahil sa tuwing iniinterbyu siya ay ukol sa politika ang talakayan. Kaya naman sinabi niyang nabigla sa pagharap sa amin.

Anyway, handa na nga ang abogado at stand-up comedian na si Edward na dalhin ang kanyang sariling tatak sa komedya sa mas malawak pa na audience ngayong siya na ay isang Ka-Viva.

Si Boss Vic del Rosario ang nag-offer sa kanya para maging Viva artist. 

This is actually not part of the plan. Lawyer nga kasi ako. Until finally kinausap ko ang asawa ko and sa dynamics naming mag-asawa siya ang laging nasusunod. And nasabi ko kay Boss Vic na handa na ako sa matured roles,” natatawang pagbabahahi ng abogado sa isinagawang launching sa kanya sa Viva boardroom kamakailan.

“Ang kalaban na mag-Vivamax na pangarap ko ay hindi naman pala. Sabi niya kung mag-Vivamax daw ako ang role ko abogado. So ganoon din, balewala hindi ba,” sabi pa ni Atty Chico.

I just want to give this a try because I’ve done a comedy because of a dare of a friend. So I did an open mic a few years ago and I got a hang of it and masarap magpatawa and then I’ve been doing it eversince,” paglalahad pa ni Atty Chico.

At nakagawa nga ng pangalan si Atty. Chico sa mundo ng stand-up comedy. Nagdala siya ng katatawanan sa mga madla nang mag-headline siya ng sold-out shows at mag-host ng ilang corporate gigs. Siya ang co-founder ng Insanithink, isang comedy troupe na kilala para sa kakaiba nitong tatak sa thinking comedy. Kilala rin si Atty. Chico bilang miyembro ng Comedy Cartel, isang pioneer sa point-of-view stand-up comedy ng Pilipinas.

Bukod doon, dala-dala niya pa rin ang kanyang kaalaman sa batas tuwing magkakaroon siya ng appearance sa TV at radio shows bilang isang legal expert. Siya rin ang radio host ng Tanggol Karapatan na umeere sa Radyo Veritas. Isa rin siyang law professor, bar lecturer, at consultant sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Handa na si Atty. Chico na magdala ng katatawanan at kaalaman sa mas maraming madla gamit ang kanyang sariling tatak sa komedya at kadalubhasaan sa batas bilang bagong miyembro ng Viva Artists Agency.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …