Wednesday , January 15 2025
congress kamara

Malaking sindikato pinangangambahan
Kamara bumuo ng 4 komite laban sa POGO, droga, EJKs

BINUO sa Kamara de Representantes ang apat na komite upang tsugiin ang mga sindikatong kumikilos sa likod ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ang koneksiyon nito sa drug trafficking at extrajudicial killings.

Ang apat na komite, tinawag na “QuadComm” ay biubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.

Kasama sa imbestigasyon na mag-uumpisa sa 15 Agosto ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng dangerous drugs panel, bubusisiin nila ang ebidensiya lban sa mga sindikato na kumikilos sa bansa upang suhulan ang mga nasa gobyerno para makakuha ng pekeng dokumento sa kanilang citizenship, makabili ng lupain, at makapag negosyo.

“Sa aming teorya naniniwala kami, because the four committees that have been conducting all these hearings, mayroon pong overlapping and commonalities in the issues that we are tackling,” ani Barbers sa press conference.

Kasama ni Barbers sina Reps. Dan Fernandez ng Santa Rosa City (Public Order and Safety), Bienvenido “Benny” Abante, Jr., ng Manila 6th District (Human Rights), Joseph Stephen “Caraps” Paduano ng Abang Lingkod Party-list (Public Accounts), at Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop.

Ang komite ni Barbers ang nag-imbestiga sa P3.6-billion shabu na nasakote sa Mexico, Pampanga, noong nakaraang taon na hinihinalang sangkot ang negosyanteng adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang.

Si Yang ay hinihinalang may kaugnayan sa Empire 999 Realty Corp., ang may-ari ng bodega kung saan nadiskubre ang shabu.

Sa naunang imbestigasyon ng komite ni Paduano, lumabas na ang mga pag-aari ng mga sindikato ay nabili sa tulong ng mga lokal na opisyal na sina dating Mexico Mayor Teddy Tumang at San Simon Mayor Abundio Punsalan, Jr., ng Pampanga.

Lumabas din sa imbestigasyon na napakalawak ng mga lupain ng mga Chinese sa bansa gamit ang mga dummy.

Sa panig ng komite ni Abante, nakatutok ito sa EJKs sa administrasyong Duterte at kung paano mabigyang hustisya ang mga biktima ng drug war.

“We will recommend prosecution against people in government that are involved in this shenanigan and of course ‘yung remedial legislation na magiging bunga nito,” ani Barbers.

“Ang objective dito kasi isang malaking criminal organization ang aming teorya na nag-o-operate sa ating bansa and because of that, we will have to

come up with a legislation to ensure that this will not happen anymore kung meron tayong batas,” dagdag ni Barbers (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …