Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Netflix When I Met You in Tokyo 2

When I Met You in Tokyo nina Boyet-Vilma number one na sa Netflix 

TINANGKILIK agad ang pelikulang When I Met You In Tokyo kaya naman nag-number one agad ito nang magsimulang mag-stream online noong July 29 sa Netflix. Ang When I Met You ay isa sa 2023 official Metro Manila Film Festival entry at pagbabalik tambalan ng loveteam of all time, ang Vilma-Boyet tandem. Produced ng JG Prouctions Inc. na idinirehe nina Direk Rado Peru at Direk Rommel Penesa.

Ani Vilma Santos, masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood ng Netflix sa pinagbidahang pelikula, nila ni Christopher de Leon. “So happy, talaga namang I’m so proud of this movie. Maaring sabihin nila it’s a very simple movie, bakit ka ganyan? No eh, hindi.‘yun kasimplehan ng pelikula namin ni Christopher o ni Yetbo. Ang importante rito is ‘yung message ng movie kasi nakuha mo ‘yung message ng movie, panalo na kami. 

“Hindi ba nandoon ‘yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values. Kung papanoorin mo talaga ng matindi ‘yung ‘When I Met You In Tokyo,’ it’s a very simple story pero na naroon lahat. 

“For that I’m really proud na ngayon pinapanood sa Netflix.

“I ask them to watch it again hanggang sa ma-absorb mo ‘yung meaning ng movie.”

Kinilala rin ng ng iba’t ibang award giving bodies ang natatanging husay ng Star For All Seasons sa pagganap na itinanghal siya bilang Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival1st Manila International Film Festival at kamakailan sa 40th Star  Awards For Movies. 

Pinarangalan din sa nakaraang 2024 FAMAS Award’s Night ng Circle Of Excellence sina Christopher at Vilma para sa mahusay na performance nila sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …