Friday , November 15 2024
Water supply dam pumigil sa mas malaking baha dulot ng Habagat, at bagyong Carina

Water supply dam pumigil sa mas malaking baha dulot ng Habagat, at bagyong Carina

072924 Hataw Frontpage

NAKATULONG nang malaki upang mapigilan o  mabawasan ang pagbaha sa bansa dulot ng bagyong Carina ang water supply dam na ginawa ng Prime Infra led WawaJVCo Inc.

Ang WawaJVCo Inc., ang developer at operator ng Wawa Bulk Water Supply Project Phase 2, isang infrastructure project sa Upper Wawa Dam na nagsimula nang mag-ipon noong 10 Hulyo 2024.

Bagaman ito ay nakadesinyo bilang water supply dam, ang naturang proyekto ay nakatulong  din upang maibsan o mabawasan ang pagbaha sa mga komunidad partikular sa mabababang lugar tulad ng probinsiya ng Rizal at Eastern District ng Metro Manila.

Sa ginawang situation briefing sa naging epekto ng  habagat na pinalakas ng bagyong Carina sa lalawigan ng Rizal nitong 26 Hulyo, ipinagmalaki ni Governor Nina Ynares kay Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na kung walang Upper Wawa Dam ay tiyak na magiging malala ang baha na mararanasan sa probinsiya.

Tinukoy ni Ynares na ang Upper Wawa Dam reservoir ay nangangailangan ng anim na buwan para makaipon ng tubig at dahil sa bagyong Carina ay napuno ito sa loob lamang ng dalawang araw.

“Mr. President, sometime this month, we were together during the inauguration of (Upper) Wawa Dam. We saw it was empty and (they said) it would take six months for them to fill it up… If without it, I feel that, most likely, San Mateo and Montalban would be down; and definitely, Marikina and parts of Quezon City and even Pasig would be affected,” ani Ynares.

Si Pangulong Marcos ang nanguna sa Impounding Process Ceremony ng Upper Wawa Dam noong 10 Hulyo na sumang-ayon sa kasunduan ng Rizal governor kasabay ng pagpapakita ng larawan kung paano pumasok ang tubig ng bagyong Carina sa reservoir.

“In three days, ganoon ‘yung tubig na bumagsak (from Carina),” sambit ng Pangulo.

“The Upper Wawa Dam project by WawaJVCo has significantly reduced the effects of flooding in comparison to previous occurrences,” ang highlight sa presentasyon ng provincial government sa Pangulo.

Ang Upper Wawa Dam ay mayroong  reservoir  na may 450 ektarya na dalawang beses na sukat ng  Bonifacio Global City at maaaring tumanggap o mag-ipon ng 120 million cubic meters ng tubig.

Ito ang pinakamalaking dam na nagawa sa loob ng  50 taon na layuning tiyakin ang sapat na supply ng tubig sa  Metro Manila at probinsiya ng Rizal.

Batay sa isinagawang pagsusukat noong 24 Hulyo, ang pumasok na tubig sa dam mula sa ulan ay pumalo sa 2,100 cubic meters kada segundo (m3/s) na nagresulta ng matagumpay na pagpigil sa tinatayang mahigit 200 m3/s na nagpakita ng pagbaba ng impact sa pagbaha.

Ang Upper Wawa Dam reservoir ay tumanggap ng mahigit sa 90 million cubic meters ng tubig sa kasagsagan ng bagyong Carina na lubhang nakatulong mapigilan ang pagbaha na nagresulta sa pagbibigay proteksiyon sa buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga mamamayan.

Samantala,  sinabi ni National irrigation Administration (NIA)  Administrator Eduardo Guillen na ang Upper Wawa Dam ay malaking bahagi upang mabawasan ang malawakang pagbaha sa Metro Manila.

“Iyan ang kagandahan sa sinasabi ng ating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na iyong water management, para kapag tag-ulan, maka-mitigate din ng baha kapag nag-iipon tayo ng tubig,” ani Guillen sa isang panayam.

“Like in the case of Metro Manila, hindi ba may (Upper) Wawa Dam sa taas ngayon? Mas matindi sana ang pinsala natin kung wala ‘yung (Upper) Wawa Dam kasi lahat ng naipon na tubig ay sumalanta sa Metro Manila,” dagdag ni Guillen.

Ang Upper Wawa Dam ay magsu-supply ng tubig sa katapusan ng 2025.

Ang WawaJVCo ay patuloy na magmo-monitor sa tulong na rin ng mga komunidad upang higit na malabanan at mapaghandaan sa mga susunod na mga hamon ng kalikasan at panahon.

Ang kompanyang Prime Infra ay nanatiling gagawa ng mas magagandang proyekto na mas higit na epektibong makatutulong sa buhay ng mga mamamayan sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga maayos at tamang impraestruktura na titiyaking ang mga proyekto ay pawang  environmentally resilient at socially relevant. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …