Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gary Estrada Bernadette Allyson Kiko Estrada

Gary ayaw makatrabaho ang ka-pamilya; Kahit si Kiko o asawang si Bernadette

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY rebelasyon sa amin si Gary Estrada“Alam niyo ba sa tagal kong artista ayokong katrabaho ang kahit sino sa pamilya ko?

“Kasi… ang hirap eh,” bulalas pa ni Gary.

“Too close for comfort para sa akin.”

In fact, kahit minsan ay hindi pa nagkasama sa trabaho sina Gary at anak niyang aktor na si Kiko Estrada.

”Iyan nga ang dream ng anak ko eh, iyan ang dream niyang makatrabaho.”

Pero ang misis ni Gary na si Bernadette Allyson ay minsan na niyang nakasama sa isang episode ng Magpakailanman.

“Ayoko ng ulitin,” bulalas ni Gary.

“Before take siyempre alam mo naman ako, pangiti-ngiti lang, tapos noong narinig ko ‘yung ‘Action!’, noong take na, nagbabago na ang lugar, nag-iiba na ako, muntik ko na siyang masaktan,” pagtukoy ni Gary sa eksena nila ni Bernadette na kailangan niya itong saktan.

“Ayoko ng ulitin it’s too close for comfort para sa akin, parang ayong maulit.”

Bilang bagong Sparkle artist nga pala, napanood si Gary sa Black Rider na finale week na ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …