Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa mga pelikula ng Vivamax.

“‘Wag lang porn,” paglilinaw ni Mark sa mediacon ng pelikulang Package Deal na mapapanood sa Vivamax simula August 9 kasama sina Mariane Saint at Angelica Hart na idinirehe ni Carby Salvador.  “I mean hindi porn, kung porn hindi na acting iyon eh. Pero parang Bruce Willis, sexy lang to allude the sensual of man parang ganoon.”

Maganda nga ang katawan ngayon ni Mark na aniya talagang pinaghihirapan niyang i-maintain. Pero sad to say, hindi ito umepek sa pinormahan niyang artista. Hindi nakadagdag sa pagporma niya ang kaguwapuhan at pagiging gwapings ‘ika nga.

Pagtatapat ni Mark, binasted siya ng kanyang leading lady na si Mariane. Tinangka raw kasing kunin ng aktor ang cell number ng dalaga bilang panimula ng kanyang pagporma rito.

At kinompirma naman ito ni Mariane. Aniya, tinanggihan niya si Mark dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang career at maging professional sa trabaho.

Natatawang wika ni Mariane, “Opo kinukuha niya ‘yung cell number ko and kasi po mas gusto kong mag-focus sa career and maging professional sa trabaho.” 

Nang usisain si Mark kung bakit niya niligawan si Mariane, sinabi nitong wala siyang girlfriend ngayon at nabighani siya sa ganda ng kanyang kapareha.

Tanggap naman ni Mark ang pagkaka-basted sa kanya at hindi niya iyon ikinasama ng loob. 

Samantala sa Package Deal, mbitado ang mga manonood na saksihan ang isang whirlwind romance na nababalot ng kasinungalingan at panlilinlang.  

Si Manet (Hart) ay isang mayamang balo na mabilis na mapapaibig ni Ron (Fernandez), isang lalaking nagtatrabaho sa courier delivery service na pagmamay-ari niya. Tila complete package na si Ron: guwapo, matalino, at magaling sa kama. Ang kanilang pag-iibigan ay mabilis na mauuwi sa engagement at kasal.

Ngunit sa gitna ng kanilang kasiyahan ay matutuklasan ni Manet na si Ron ay mayroon na palang 18-taong gulang na anak na babae, si Elissa (Saint) na limang buwang buntis.

Sa kabila nito, tatanggapin ni Manet si Elissa bilang bahagi ng “package deal” sa kanyang pagmamahal kay Ron. Ang tatlo ay mamumuhay na parang isang tunay na pamilya sa iisang bubong.

Hindi nagtagal, lalabas ang tunay na ugali ni Ron— siya pala ay isang sugarol at lasenggero. Lalalim din nang hindi inaasahan ang pakikitungo nina Manet at Elissa sa isa’t isa.

Habang hinaharap ni Manet ang kanilang komplikadong sitwasyon, matutuklasan niya rin ang maraming nakagugulat na lihim tungkol kina Ron at Elissa na sisira sa “pamilya” na kanilang binuo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …