Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Wil To Win

Willie nagsisikap makapagbigay ng entertainment sa tao

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANOOD namin sa tv kung paanong napikon si Willie Revillame sa kapalpakan ng kanyang show. Kaya siya pa ang nagsabi na halata mong galit na “mag-meeting nga tayong lahat pagkatapos ng show.” 

Inamin din niyang pagod na siya, “maawa naman kayo sa akin ako na lahat ang nag-iintindi sa show na ito, baka atakihin na ako sa inyo, “ sabi pa niya.Totoo naman ang sinasabi niya. Ang kanilang show ay live kaya hindi puwedeng ma-edit out kung may papalpak man gaya ng sa kalaban nilang taped program. Siya ang kailangang mag-isip ng concept na gagawin nila sa araw-araw kasi original ang show nila, hindi nagbabayad para magamit lamang ang idea ng mga dayuhang talagang nag-imbento ng isang original show. Bukod sa pagiging host, si Willie rin ang tumatayong producer ng show siya ang nag-iintindi kung ano ang kailangan pati ng paghahanap ng mga premyo para sa show hindi siya iyong game show host na papogi lang ang ginagawa at ang lahat ng sinasabi ay scripted pa at hindi kailangang mag-isip.

Hindi rin naman  kagaya ni Willie na pilit nilang ginagamitan ng psywar gusto nila ay mawalan iyon ng gana sa pagsasabing mas mataas ang ratings ng kalaban niyang show. Totoo mas mataas nga ang ratings pero sinabi ba nila ang given factors? Gaano kalakas ang transmitting power nila kompara sa estasyon ni Willie? Gaano karami ag mga troll nila na pumupuri sa kanila at naninira kay Willie. Si Willie ba may ganoon? Ang inaasahan lang niya ay ang suporta ng mga tao na gustong manalo sa kanyang show o makalapit man lang sa kanya at makahingi ng tulong.

Sa totoo lang ngayon namin naa-appreciate ang pagsisikap ni Willie para maka-entertain ng mga tao. Noon hindi eh dahil masyado ring mataas ang lipad ni Willie. Bumaba lang ang kalooban ni Willie noong nakita niyang nag-iisa pala  siya sa pakikiramay man lang sa mga nasawi. Talaga palang negosyo lang ang tingin sa programa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …