Monday , September 16 2024
Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-At-Law.

Umani ng 1 million views sa loob ng anim na oras ang scene drop ng GMA Drama na makikita ang mainit na sagutan nina Tinang Ces (Glenda Garcia) at Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa). Todo-tanggol si Tinang Ces sa kanyang anak-anakang si Atty. Lilet Matias (Jo Berry) matapos itong pahiyain sa publiko ni Atty. Aera Simmons (Analyn Barro).

Sey ng netizens, “Galing ni Tinang Ces. Kahit hindi niya tunay na anak si Lilet, ipinaglaban niya. Magsisisi ka Lady Justice dahil sarili mong anak ang inaapi mo. Si Aera na ampon mo lang mas kinakampihan mo pa. Grabe ‘tong episode na ‘to ang ganda ng batuhan ng linya. Galing nilang umarte lahat!”

Dahil sa makabuluhang kuwento ng serye, consistent ang mataas na ratings nito at positive feedback mula sa mga Kapuso. Pero marami pang dapat abangan na twists and turns kaya tutok lang.

About Rommel Gonzales

Check Also

Magic Voyz 2

Magic Voyz pinainit ang gabi sa kanilang grand launching

ni Allan Sancon IPINAKILALA ang bagong sexy boy group na Magic Voyzna sina Jhon Mark Marcia, Jace …

Magic Voyz

Johan at Jace ng Magic Voyz agaw-eksena sa 24K Magic at Maybe This Time

RATED Rni Rommel Gonzales SULIT ang paghihintay sa pagsampa ng Magic Voyz sa stage ng Viva Café …

JD Aguas Angela Morena Angelica Hart Albie Casino

JD Aguas G maghubad makapag-artista lang

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKI ang pagkakahawig ng Vivamax actor na si JD Aguas sa young actor na si Nash …

Angelica Yulo Ai Ai delas Alas

Ai Ai susuportahan live selling ni Angelica

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS mag-post ng mensahe si Ai Ai delas Alas sa social media …

Iza kakaiba ang pakiramdam ngayong ina na — my life has bloomed into even more 

MA at PAni Rommel Placente RAMDAM na ramdam ni Iza Calzado ang fulfillment bilang isang misis at …