Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales

Itan Rosales pang-matinee idol ang dating

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GWAPO, malakas ang dating at pwedeng-pwedeng maging matinee idol. Siya si Itan Rosales, ang bagong alaga ni Len Carillo ng 3:16 Media Network. Bukod sa pag-arte kasama rin siya sa grupong VMX V na kinabibilangan din nina Karl Aquino, Marco Gomez, Calvin Reyes, at ang bagong miyembro nitong si Dio de Jesus.

Taong 2022 pinasok ni Itan ang showbiz subalit ngayon lamang siya nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang talento sa pag-arte. 

Ayon kay Len, matagal nang gustong mag-artista ni Itan at unang mapapanood ang talento nito sa pag-arte sa pamamagitan ng pelikulang Hiraya  sa Vivamax na idinirehe ni Sidney Pascua at ipinrodyus ng 3:16 Media Network .

Kasama rin siya sa Uhaw katambal sina Angeli Khang at Princess Ataska na idinirehe naman ni Bobby Bonifacio Jr. gayundin sa  Kaskasero na ang leading ladies niya’y sina Christine Bermas at Angela Morena na idinirehe ni Ludwig Peralta. Isinulat ito nina Quinn Carillo at Sidney Pascua, handog ng 3:16 Media Network.

At ngayong Vivamax aktor na si Itan natanong ito kung gaano siya katapang sa pagpapakita ng kaseksihan at katawan at kung may limitasyon ba siya? 

Anang binata, hindi lahat ay ipinakita niya sa mga daring na eksena. At kung may nakikita man sa kanya, sumusunod lamang siya sa kung anong ibigay sa kanya. Pero may limitasyon siya sa sarili.

Naitanong din namin sa kanya kung mas gusto ba niyang mas malinya siya bilang dramatic actor at ang sagot nito, “Okey din po sa akin. Ang sa akin naman po kung ano ang ibigay sa akin, gagawin ko hanggang kaya ko.” 

Sinabi pa ni Itan na hindi pa rin niya kayang ipakita lahat-lahat sa mga daring na eksena. “Unti-unti muna para may kasabikan ang manonood,” birong sabi nito nang makausap namin sa Viva Cafe pagkatapos ng show ng kanilang grupo, ang VMX V.

Sa kabilang banda, natanong din si Itan sa kung sinong young actress ang gusto niyang makatrabaho at nasabi nitong si Andrea Brillantes.

Hindi nito itinagong crush niya ang Kapamilya actress kaya gusto rin niyang makilala ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …