Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPAT
ni Mat Vicencio

NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Senado sakaling pormal na magdeklara ng kanyang kandidatura sa nakatakdang May 2025 midterm elections.

Tulad ng mga politikong kaalyado ni Digong, hindi na rin sila nakatitiyak ng panalong inaasahan dahil ang bisa ng “Duterte magic” ay unti-unti nang nawawala at malamang na mabigo lang sa darating halalan.

Kahit ang dalawang anak ni Digong na sina Congressman Paolo “Pulong” Duterte at Mayor Sebastian “Baste” Duterte ay hindi rin nakasisiguro kung ang bertud o impluwensiya ng kanilang ama ay kakayanin pa silang ipanalo sa Senado.

Napakahirap ng kalagayan ngayon ni Digong dahil bukod sa naglalahong “Duterte magic,” sakit sa kanyang ulo ang malubhang bakbakan nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang hayagang pakikipag-away ni Digong kay Bongbong ang naging hudyat para gamitin ng administrasyon ang kanilang kapangyarihan at unti-unting wasakin ang grupo ng dating pangulo.

Mahalaga ang 2025 elections para sa kasalukuyang gobyerno at hindi kailanman papayagan ni Bongbong na manalo ang mga kalaban sa politika lalo na si Digong na tiyak manggugulo at mambubulabog sa Senado.

Pansinin si Senator Bato dela Rosa, maituturing na isa na lamang saling-pusa sa Senado, at sinasabing tapos na ang political career dahil na rin sa kanyang pakanang “PDEA leaks” na tanging layunin ay gibain si Bongbong.

Si Senator Bong Go naman ay sinampahan na ng reklamong plunder sa Department of Justice kaugnay sa P6.6 billion government projects sa panahon ng gobyerno ni Digong.

Kasama rin si Digong sa inasunto ng plunder bukod pa ang inaasahang warrant of arrest na ihahain ng International Criminal Court o ICC.

Pero sinasabi nga, hindi basta-basta susuko at magpapatalo si Digong. Ang lahat ng paraan at gimik ay kanyang gagawin magtagumpay lang sa eleksiyon kasama ang mga kakamping kandidato para maluklok sa Senado.

Ang Senado ang magiging kalasag ni Digong sa persekusyong ginagawa sa kanya ng pamahalaan, at magiging armas naman para kalkalin at ibunyag ang mga nakatagong baho ni Bongbong.

Kailangang maging matatag at matapang si Digong na harapin ang mga inaasahang atake ng gobyerno lalo na ngayong ang malawak na kapangyarihan, makinarya, organisasyon, impluwensiya, at limpak-limpak na salapi ay nasa kamay ni Bongbong.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …