Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barda Barbie Forteza David Licauco

BarDa wagi sa pagpapakilig sa That Kind of Love

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EPEKTIBO sa pagpapakilig sina David Licauco at Barbie Forteza sa kanilang unang tambalan sa pelikula, ang That Kind of Love na palabas na sa Miyerkoles, July 10 sa mga sinehan.

Nag-uumapaw din ang chemistry at talaga namang bagay na bagay ang BarDa kaya hindi kataka-taka kung bakit marami ang giliw sa kanilang tambalan.

Sa red carpet premiere ng That Kind Of Love na ginanap sa SM Megamall, umapaw ang fans na sumusuporta sa kanila na hindi naman nabigo sa gusto nilang makita sa pelikula.

Sinuportahan din ang BarDa ng kani-kanilang kaibigan sa industriya tulad nina
Michelle Dee, Kelvin Miranda (na may special participation sa movie) Alice Dixson, Mikee Quintos, Jeric Gonzales, Rabiya Mateo, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Rhian Ramos at Sam VerzosaMartin del Rosario.

Siyempre present din ang iba pang bida sa 

That Kind of Love tulad nina Kaila Estrada, Arlene Muhlach, Divine Aucina, Ivan Carapiet, at Jef Gaitan.

As usual hindi na kami nanibago sa galing ni Barbie na tulad ng husay na ipinakikita sa mga teleseryeng pinagbibidahan at kasama siya. Siya ang nagdala ng pelikula. Pero special shoutout kay David dahil magaling siyang magpakilig lalo na sa kanyang mga titig kay Barbie kaya pati mga nanonood ay hindi napigilian mapatili na animo’y ‘sila ang tinititigan ng aktor.

Pinagtagpo ng tadhana sina Barbie at David na nagkasundong ihahanap ni Coach Mila (Barbie) ng partner si Sir Adam (David) pero ang ending sila ang nagkainlaban. Subalit may twists and turns siyempre na mangyayari sa kanilang love story na siyempre wa na namin kuwento. Watch n’yo na lang dahil maganda at maayos ang pagkakalahad ng kuwento na may mga makukuhang tips sa love.

Muli, napatunayan ng BarDa na hindi lang pangtelebisyon ang kanilang tambalan, maging sa pelikula’y epektibo nilang madadala ang istorya para maihatid sa mga manonood.

Ang That Kind of Love  ay mula sa Pocket Media Productions, Incorporation at Pocket Media Filmsin cooperation with Happy Infinite Productions, Incorporation.

Released and distributed by Regal Entertainment, showing na sa lahat ng cinema sa bansa ang That Kind of Love sa July 10. Special thanks sa Digital Out of Home, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …