Wednesday , May 14 2025
gun ban

Alyas Boy Bakal at alyas Tukmol hoyo sa boga

KAPWA rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos makuhaan ng hindi lisensiyadong baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong 11:00 pm, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-9) sa Malapitan Road, Brgy. 171, Bagumbong nang parahin nila ang isang lalaki na sakay ng motorsiklo dahil sa paglabag sa dress code.

Saglit na bumagal ang rider ngunit bigla nitong pinahaharurot ang minamanehong motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang makorner.

Nang kapkapan, nakompiska sa suspek na si alyas Boy Bakal ang isang kalibre .45 pistol, may isang magazine na kargado ng anim na bala, at isa pang extra magazine na kargado ng apat na bala.

Nang hanapan ng mga papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek kaya binitbit siya ng mga pulis.

Dakong 12:55 am nang maaresto ng mga tauhan ng Sub-Station (SS-13) ang alyas Tukmol matapos makuhaan ng isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala at walang kaukulang papeles makaraang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Phase 8, Bagong Silang, Brgy.176.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …