Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MV True Confidence Gulf of Aden

Labi ng 2 tripulanteng Pinoy ng M/V True Confidence naiuwi na ng mga kaanak

NAKUHA na ng kanilang mga kaanak ang mga labi ng dalawang marino ng M/V True Confidence sa NAIA cargo area sa Pasay City, na sinabing nasawi dahil sa missile strike sa Gulf of Aden.

Ang dalawang marino ay kabilang sa 15 tripulanteng Filipino na sakay ng MV True Confidence, na sinalakay ng mga rebeldeng Houthi noong 6 Marso habang binabagtas ang Gulf of Aden.

Ang natitirang 13 tripulante ay nakabalik na sa bansa at nabigyan na ng kinakailangang tulong ng gobyerno.

Ang mga labi ng dalawang marino ay inihatid pauwi ng Dubai Labor Attaché John Rio Bautista habang ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nakikiramay sa mga pamilya at tiniyak sa kanila ang kinakailangang tulong.

Ang DMW, OWWA, at Department of Foreign Affairs (DFA)  sa pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng barko at lokal manning agencies, ay nagtutulongan para sa pagkuha at pagpapauwi ng mga labi ng mga tripulanteng Pinoy. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …