Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Celine Dion

Celine Dion masakit na hindi na makakanta

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin ang full documentary ni Celine Dion tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyanag kalusugan. Na-diagnose siyang may stiff person syndrome, isang auto immune disease na nagkakaroon ng paninigas ng katawan, kung minsan ay hindi na halos makatayo at makalakad. Oras na mapagod at ma-stress ay mararamdaman niya ang lahat ng sakit, at iyon ay nakaapekto rin sa kanyang boses at sinasabi nga niyang, “there were times when I can no longer sing the high notes.”

Para sa isang taong ang buhay ay nasa musika at nasa pagkanta, napakasakit ng nangyari sa kanya.

Napag-uusapan naman ngayon dito sa atin si Celine dahil marami nga ang nagtataka kung bakit hindi siya gumagawa ng bagong kanta ng ilang taon na. Hindi naman kasi niya sinasabi sa publiko ang kanyang karamdaman.

Napag-usapan nga lang ulit si Celine sa atin nang kantahin ni Stell  ang isa niyang pinasikat na kanta sa concert ni David Foster na siya ring nag-produce ng kantang iyon para kay Celine. Pinag-usapan kung sino ang makagagaya talaga sa kanya at saka lang naalalang matagal na nga pala siyang hindi napapanood. May mga pagkakataon daw na sinikap ni Celine na magkaroong muli ng concert pero hindi niya magawa, dahil oras na mapagod siya sa rehearsals, sumasakit na ang buo niyang katawan. Kung minsan at nabibigla rin siya ng kanta, hindi lumalabas ang high notes, kaya patuloy pa rin siyang ginagamot.

Kung titingnan mo ngayon si Celine base sa video ay mukhang amy edad na nga siya at siguro iyon ay epekto rin ng kanyang sakit, pero umiiyak siyang nagsabing gusto niyang kumanta. Hindi dahil kailangan niyang gawin, o dapat niyang gawin kung dahil gusto niya. Masakit nga siguro para sa kanya na nakilala at nabuhay sa musika na dumating ang panahong hindi na siya makakakanta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …