Tuesday , July 2 2024
BINI Puregold

BINI at Puregold ipinagdiriwang pagbabago sa pinakabagong single ng grupo

NAGBABALIK ang nation’s girl group na BINI, kilala sa kanilang mga nangungunang kanta, at inihahandog ang isang bagong single na nilikha kasama ang Puregold. Sa isang kakaibang lapat sa kantang Nasa Atin ang Panalo, ipinasok ng BINI ang temang Ang Kwento ng Pagbabago.

Noong nagdesisyon kaming itampok at magtrabaho kasama ang mga nangungunang artista sa musika sa bansa, alam naming kailangang makatrabaho ang BINI,” sabi ni Puregold President Vincent Co. “Nagsumikap sila para maging bahagi ng lokal na industriya ng musika, at ipinagmamalaki naming itanghal ang kanilang talento katambal ang Puregold.”

Ilang linggo na ang nakararaan, inilabas ng Puregold ang Nasa Atin ang Panalo music video, isang kolaborasyon kasama ang BINI, SB19, si Flow G, at ang SunKissed Lola. Pagkatapos ipakita kung ano ang maaaring gawin ng bawat isa sa kanila sa kanta, handog naman ngayon ng Puregold ang kompletong bersyon na itinanghal ng BINI.

Sa awitin, nakapokus ang BINI sa kanilang pag-unlad at paglago bilang mga mang-aawit. Katulad ng kanilang mga nagmamahal na fan na tinatawag na “Blooms”, patuloy din ang BINI sa pamumukadkad sa kanilang karera. Sa pambungad na mga liriko ng kanta, bakas ang pagdala ng mga nakaraan at kasalukuyang karanasan ng BINI sa kung nasaan sila ngayon: “Ang mga itinuro ng noon / Dalhin at palakasin ang ngayon.”

Paalala ang kanta sa mga Bloom at mga nagmamahal sa musika sa bansa, na palaging may panibagong araw upang pagbutihin pa ang sarili. Binubuod ito ng BINI sa pre-chorus: “Anuman ang pinagmulan / Mas mahalaga ang pupuntahan!”

Sa music video ng single, mapapanood ang BINI na sumasayaw at nagtatanghal sa isang tila Puregold store. Rito, ibinabahagi ng BINI ang kanilang kuwentong Panalo sa mga empleado at mamimili sa Puregold. Ipinagdiriwang ng kanta ang BINI at ang mga taong nakatulong din sa tagumpay ng Puregold sa nagdaang mga taon.

Katulad ng BINI, patuloy ding nagsusumikap ang Puregold makamit ang sarili nitong kwento ng pagbabago,” ani Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold. “Kaya tuloy-tuloy din kaming magbubukas ng mga lokasyon sa iba-ibang sulok ng bansa, pagbubutihan ang paglilingkod sa aming mga suki, at magiging aktibo sa iba-ibang mga inisyatibong makapagbabago ng Pilipinas.”

Isa sa mga pangunahing magtatanghal sa Nasa Atin ang Panalo Thanksgiving concert ng Puregold ang BINI, sa Hulyo 12 sa Araneta Coliseum. Itatampok din sa concert ang SB19 at si Flow G habang maghahandog naman ng espesyal na pagtatanghal ang SunKissed Lola. 

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakukuha ng ticket, i-follow lamang ang Puregold at ang mga musikero sa kanilang mga social media account.

About hataw tabloid

Check Also

KADIWA Center SJDM

KADIWA Center na may permanenteng bagsakan, binuksan ng DA sa San Jose Del Monte

Tiyak nang regular na makakabili ang mga mamamayan ng lungsod ng San Jose Del Monte …

Philippine-Spanish Friendship Day

NHCP: Diwa ng Pagkakaibigang Filipino-Español Lumaban para magmahal at hindi para mapoot

IPINAGDIWANG ng mga Bulakenyo ang 22nd Philippine-Spanish Friendship Day na sumesentro sa aral nitong matutong …

100% Onboarding sa Paleng-QR, naitala sa Palengke ng Pulilan

100% Onboarding sa Paleng-QR, naitala sa Palengke ng Pulilan

MATAGUMPAY nanai-onboard nang 100% ang mga nagtitindang may puwesto sa Pamilihang Bayan ng Pulilan, sa …

Queen Rodriguez Act-Agri Kaagapay Ricky Reyes

Virginia Rodriguez at Act-Agri Kaagapay, makabuluhan ang  layunin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAKABULUHAN ang layunin at adbokasiya ng Act-Agri Kaagapay na pinamumunuan …

Dingdong Dantes Aktor PH Vilma Santos Marian Rivera

Pag-endoso ng Aktor PH kinainggitan

HATAWANni Ed de Leon MAMATAY-MATAY sa inggit ang mga miyembro ng isang kulto ilang minuto pa …