Monday , July 1 2024
Migz Zubiri Gibo Teodoro Ayungin Shoal WPS

Zubiri nanawagan agarang modernisasyon ng AFP at PCG (sa insidente ng Ayungin Shoal)

BINIGYAN-DIIN ng dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal.

Hindi na sapat ang pag-condemn sa China,” ani Zubiri noong Biyernes, Hunyo 21. “Kahit pa maraming sektor ng pandaigdigang komunidad ang matatag na sumusuporta sa atin, hindi natin matitinag ang China. Malinaw na nais nilang patuloy na gamitin ang kanilang lakas para mapasok ang ating teritoryo at ang ating eksklusibong economic zone.”

Ibinida ni Zubiri ang P6-B badyet para sa AFP at P2.8-B para sa PCG sa pambansang badyet ng 2024, na nakatuon sa modernisasyon ng kanilang mga kagamitan upang paghandaan ang palakas na palakas na aksiyon ng China sa South China Sea.

Binanggit din niya ang bagong pinasa na New Government Procurement Act, na makatutulong para, “mabilis na mabilis ang mga kinakailangang kagamitan para sa ating matatapang na sundalo, na nagbubuwis ng kanilang buhay para sa soberaniya ng ating mahal na bansa.

Nakahanda na ang badyet, at parating na ang batas. Nananawagan ako sa lahat ng mga nasa gobyerno na kumilos ng may pinakamataas na agarang pagkilos upang maisakatuparan ang ating mga plano sa modernisasyon, at para makapag-set up tayo ng mas malakas na depensa sa West Philippine Sea,” giit pa ni Zubiri.

Binigyang-diin din ni Zubiri ang kahalagahan ng paghahanda dahil sa tumitinding karahasan malapit sa BRP Sierra Madre, na ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard na may dalang bolo at palakol ay ilegal na sumampa at bumangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa isang resupply mission, na nagdulot ng pinsala sa mga inflatable hulls at mga sugat, kabilang ang isang tauhan ng Navy na nawalan ng hinlalaki.

Nakita naman po natin sa mga ini-release na video kung paano kinawawa, pinagtulungan at parang kinuyog ang ating mga magigiting na sundalo, isa po ay nagtamo pa ng seryosong pinsala sa katawan,” sabi ni Zubiri. “Ang pag-usad ng ating programa sa modernisasyon ng puwersa ay ang tanging paraan pasulong. Hindi man natin kayang tapatan ang lakas ng China, madadagdagan natin ang ating puwersa sa pagpapatrolya ng West Philippine Sea,” dagdag pa niya.

About hataw tabloid

Check Also

Dingdong Dantes Aktor PH Tirso Cruz III

Dingdong tinutukan proseso sa pag-endoso kay Ate Vi

NAGING saksi kami mga ka-Hataw sa napakaraming proseso na pinagdaanan ng AKTOR.PH at mismong ni Dingdong Dantes. Sa sobra niyang …

Dingdong Dantes Aktor PH

Isang taon pagsala sa idedeklarang Pambansang Alagad ng Sining 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ANG bilis ng panahon. July na pala, and before we knew, maidedeklara na …

Eddys Speed

Jed Madela, Ogie Alcasid, Rampa Reynas, 2 pang young artist eeksena sa 7th EDDYS

SINO-SINO ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa pinakaaabangang 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment …

070124 Hataw Frontpage

Sa Ilocos Sur
P6.7-M SHABU NATAGPUANG NAKALUTANG SA WPS

HATAW News Team NATAGPUAN ng mga mangingisda ang isang paketeng may timbang na halos isang …

070124 Hataw Frontpage

Katutubong gas para sa enerhiya isineseguro ni Pia

ISINUSULONG ni Senadora Pia Cayetano ang paggamit ng indigenous gas upang siguruhin ang seguridad at …