Sunday , December 22 2024

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) — iminungkahi ng ahensiya na suspendehin ang pangongolekta ng toll fee para sa lahat ng uri ng sasakyang daraan sa Manila-Cavite Toll Expressway, na sumasaklaw sa mga lugar ng Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit, sa loob ng 30 araw.

Bahagi ang naturang inisyatibo ng mga plano ng Pangulo na magpakilala ng mga bagong express road sa mga nangangailangan.

Tinanggap ng Pangulo ang panukalang ito mula sa PRA, pinasalamatan sa kanilang inisyatibo, at pinuri ang pagsisikap na mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga motorista.

Pinamumunuan ang PRA ni Atty. Alexander T. Lopez, ang Manila Chairman ng opisyal na political party ni Pangulong Marcos, na Partido Federal ng Pilipinas (PFP), at ang mga bagong hinirang na Board of Directors nito, kabilang sina General Manager Cesar S. Siador, Jr., Director Onyx Crisologo, Director Steve Dioscoro Esteban, Jr., at Director Nolasco Bathan.

Nanawagan si Pangulong Marcos sa Toll Regulatory Board (TRB) para sa agarang pagpapatupad ng toll holiday para sa benepisyo ng riding at transport public.

“I now count on our Toll Regulatory Board to ensure the immediate implementation for the benefit of the riding and the transport public,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Isang collaborative project ang Cavitex C5 Link ng PRA, TRB, at Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), na subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), at idinisenyo upang mapabuti ang regional movement ng mga tao at mga kalakal, na naglalayong mapabilis at magkaroon ng maayos na ruta para sa mga commuters at  transport services.

“Nagpapasalamat po tayo sa leadership ni PBBM. This would not be possible without his dedication to bring a new Philippines to the people,” pahayag ni Atty. Lopez. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …