Sunday , December 22 2024

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

062224 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa kahit anong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa kaya maling tawagin na siya ay ‘conspirator’ nang walang matibay na ebidensiya.

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksiyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Giit ni Mayor Guo, ang pagkakaroon lamang ng koneksiyon sa mga kompanya o indibiduwal ay hindi sapat na batayan upang tawagin ang isang tao na kasabwat.

Inihayag ng alcalde, ang mga ganitong akusasyon ay kailangang masuportahan ng sapat na ebidensiya.

“Ang pagiging ‘conspirator’ ay may legal na batayan sa ating batas. Ang pagkakaroon ng koneksiyon sa mga kompanya o indibiduwal, lalo na kung hindi malinaw, ay hindi sapat upang iugnay ang isang tao sa kaso, partikular sa kaso ng human trafficking,” ani Mayor Guo.

Binanggit niyang wala siyang anomang kaugnayan o pakikibahagi sa Zunn Yuan Technology, Inc., o sa kahit anong POGO sa bansa.

Kahit na hindi pa natatanggap ang kopya ng pormal na reklamo, nananatiling kompiyansa si Mayor Guo na walang sapat na ebidensiya na mag-uugnay sa kanya sa mga paratang.

Ipinahayag niya ang kanyang pangamba na ang mga paratang ay maagang inilabas sa publiko bago pa man ipakita ang konkretong ebidensiya.

“Mula pa noong araw ng raid noong Marso 13 hanggang sa kasalukuyan ay talagang pinipilit lamang akong iugnay sa kaso. Kung may ebidensiya ay dapat noong maaga pa at nakasuhan na ako,” paliwanag ni Mayor Guo.

Nanawagan si Mayor Guo na masusi munang imbestigahan ang mga kaso bago maglabas ng anomang pahayag sa publiko.  Aniya, tila niluto muna sa publiko at sa media ang mga alegasyon bago ito isinampa laban sa kanya.

“Dapat manaig ang prinsipyo ng ‘innocent until proven guilty’, at mahalaga na igalang ang karapatang pantao at katarungan sa lahat ng aspekto ng anomang kaso,” dagdag niya.

Handa si Mayor Guo na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya, naninindigan sa kanyang pangako na ipagtanggol ang katarungan at transparency sa mga proseso.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …