Wednesday , April 2 2025
knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nasa stable condition na habang nakaratay sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26 anyos, residente sa A. Santiago St., Brgy., 0Sipac Almacen ng nasabing lungsod.

Sa ulat nina P/SSgt. Levi Salazar at P/SSgt. Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong 10:20 pm nang maganap ang insidente sa Alley-3 corner Santiago St., Sipac Almacen.

               Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naglalaro ang biktima ng darts sa nasabing lugar, kasama ang kanyang mga kapitbahay nang dumaan ang suspek na si alyas Darnell, 22 anyos, isang casino dealer at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

               Sa kainitan ng pagtatalo, nilapitan ng suspek ang biktima saka inundayan ng saksak sa ulo hanggang  magawa niyang makalayo habang naawat ng mga bystander ang suspek.

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan habang naaresto ng mga nagrespondeng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 ang suspek at nakuha sa kanya ang isang fan knife. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …