Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Security officer ng SC nasa ‘hot water’ sa panghaharas, pagbabanta sa PWD 

ISANG person with disability (PWD) ang nagpahayag ng kanyang galit at pagkadesmaya nang siya ay i-harass at pagbantaang hilahin ng chief security officer ng Supreme Court nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat  niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si Joery Gayanan sa loob mismo ng gusali ng Supreme Court kaugnay ng kanyang pina-follow-up na dokumento.

Ayon kay Dizon, maayos siyang  pumasok sa  SC upang  i-follow-up  sa 3rd Division ang isang petisyon sa kaso na kanilang hawak ngunit paulit-ulit umanong sinasabi ng isang alyas Tintin na wala pang resolution sa kanilang inihain na transfer of venue.

Dahil dito minabuti ni Dizon na magtungo sa opisina ng isang SC Justice at doon siya nilapitan at sinabihan ni Gayanan  na umalis na.

Sinabi ni Dizon kay Gayanan, na PWD siya at hindi maaaring maghagdan  habang itinuro ng isang security ang elevator.

Dito na siya muling sinabihan ni Gayanan ng  “pag hindi ka sumama sakin, hihilahin kita papuntang security office.”

Sa puntong iyon, nangamba si Dizon na posibleng totohanin ni Gayanan ang kanyang banta.

Kinuwestiyon ni Dizon si Gayanan kung may pagkakamali o may ilegal siyang ginawa kung bakit hindi makatao ang trato sa kanya.

Wala umanong tugon si Gayanan kundi paulit-ulit siyang pinaaalis.

Maging ang kasamahang security ni Gayanan ay nagulat sa umano’y inasal nito.

Samantala, lumilitaw na ang petition for transfer of venue na inaasikaso ni Dizon ay noong 1 Abril pa naaprobahan.

Pabalik-balik umano siya  sa 3rd Dvision ngunit walang tugon sa kanilang petisyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …